Connect with us

Community News

Tutulungan ng Outreach ang mga Albertans na kumonekta sa mga mapagkukunang nauugnay sa COVID

Published

on

(File photo: Annie Spratt/Unsplash)

Ang gobyerno ng Alberta ay nagpapalawak ng mga bagong outreach na programa at suporta sa mga komunidad na may napakataas na rate ng impeksyon at paglipat ng COVID-19.

Kinilala ng Alberta Health ang 11 mga nasabing komunidad sa Edmonton at Calgary.

Simula sa Disyembre 15, mga ilang bagong programa at suporta ang magagamit ng mga residente sa mga komunidad na ito. Kasama rito ang:

  • Mga hotel sa paghihiwalay sa sarili at tulong pinansyal
    • Ang mga indibidwal sa mga lugar na ito na nagpositibo sa COVID-19 ay karapat-dapat na manatili sa silid ng hotel na walang bayad sa loob ng14 na araw, kumpleto sa pagkain na naaangkop sa kultura.
    • Ang mga indibidwal na ito ay karapat-dapat din na mabigyan ng pansamantalang tulong pinansyal sa halagang $625 kapag natapos ang kanilang pag-hihiwalay sa sarili.
  • Mga Koponan sa Pangangalaga ng COVID
    • Ang mga koponan ng outreach na pinamunuan ng pamayanan ay magbibigay ng mga suporta at interbensyon para malimitahan ang pagkalat ng virus.
    • Ang mga pakete ng pangangalaga na may mask, sanitayser, at impormasyon sa iba’t ibang wika ay maihahatid sa mga lugar na ito.
    • Magagamit ang ligtas na transportasyon patungo sa sa pagtatasa sa COVID-19 at mga pasilidad sa pagsubok.
    • Ang outreach ay pamumunuan at susuportahan ng mga namumuno sa komunidad at mga lokal na organisasyon batay sa pananampalataya at settlement. Magbibigay din ng suporta ng mga tagasalin kung kinakailangan.
  • Kampanya sa kamalayan ng publiko
    • Ang Gobyerno ng Alberta ay gumawa ng isang “outreach campaign” upang maipaabot ang mahalagang impormasyon sa kalusugang pampubliko diretso sa mga Albertans na maaaring may hadlang sa wikang Ingles, sa pamamagitan ng pinalawak na paggamit sa mga isinalin na materyales at iba pang mga suporta.
    • Ihahatid ang mga mensahe sa 10 wika sa pamamagitan ng pag-aanunsyo sa radyo, telebisyon at nakalimbag na material, pati na rin sa pamamagitan ng iba’t ibang mga channel ng social media at mga platform sa web.

“Ang pandemikong ito ay nagkaroon ng malalim na tama sa buong lalawigan, naapektohan ang lahat ng ating mga komunidad at lahat ng mga sektor ng ating ekonomiya – ngunit para sa ilan, ang epekto na ito ay mas matindi. Ang Gobyerno ng Alberta ay magbibigay ng karagdagang tulong upang maprotektahan ang mga pamilya sa mga komunidad na nagkakaroon ng mataas na rate ng pagkalat. Kailangan nating makilala ang mga taong ito kung nasaan sila at tulungan silang manatiling ligtas.”

Jason Kenney, Premier

“Nais naming gumawa ng isang sumusuporta at nagtutulungan na diskarte upang matulungan ang mga komunidad na nakakaramdam ng pinakamalubhang epekto. Sa pamamagitan ng mga mahabaging pagsisikap maaabot namin ang mga hadlang at ibibigay sa ating mga kapitbahay ang impormasyon at mga suportang kailangan nila upang mapanatiling ligtas ang kanilang pamilya. ”

Tracy Allard, Minister of Municipal Affairs

“Ang mga Albertans saan man ang pinagmulan ay naapektuhan ng pandemya. Kinikilala ng Pamahalaan ng Alberta na kailangan ng mga matinding ideya upang maprotektahan ang kaligtasan ng lahat ng mga Albertans. Nais kong pasalamatan ang mga pinuno ng mga komunidad sa pagtulong sa gobyerno ng Alberta na bumuo ng isang mapagmalasakit at mahabaging diskarte na tumutugon sa mga pangangailangan ng kani-kanilang mga pamayanan. Malalagpasan natin ang hamon ng pandemikong ito, at gagawin natin ito nang sama-sama. ”

Kaycee Madu, Minister of Justice and Solicitor General

“Nakikipagtulungan kami sa mga pinuno ng mga organisasyong nakabatay sa kultura at komunidad upang magbigay ng impormasyon at suporta para sa mga nangangailangan. Mas nauunawaan ng mga organisasyong ito ang mga pangangailangan ng mga komunidad at pinasasalamatan namin sila sa kanilang dedikasyon at pangako na tumulong na maihatid ang mga serbisyong ito. ”

Rajan Sawhney, Minister of Community and Social Services

“Ang pagtatrabaho ng pagtutulungan ay pinagsasama ang mga komunidad at pinapalakas ang aming pagsisikap. Marami sa atin ang lumaki na naririnig ang Vasudev kutumbakam (ang mundo ay isang malaking pamilya). Salamat kay Premier Kenney at sa kanyang gobyerno para sa pagsasama-sama nating lahat bilang isang malaking pamilya, sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap na ito. Buong tiwala ko na sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga mapagkukunan, pinakamahuhusay na kasanayan at paggamit ng mga suporta sa bawat isa at kadalubhasaan makakalikha tayo ng kamalayan at lalabas na mas malakas na magkakasama bilang isang komunidad.

Rekha Gadhia, BAPS Swaminarayan Mandir-Calgary

“Bilang isang samahan na nakatuon sa pagsuporta sa mga imigrante at mga bagong dating, alam namin ang mga nakawawasak na epekto ng COVID-19 sa mga pamayanan na nakaharap sa maraming hadlang. Ang anunsyo na ito ay isang unang hakbang patungo sa paggamit at pag-maximize ng umiiral at bagong data. Pinupuri namin ang gobyerno sa paglikha ng nasabing naka-target na mga programa na batay sa ebidensya upang suportahan ang mga komunidad sa pagtugon at paglilimita sa pagkalat ng COVID-19. ”

Sharif Haji, executive director, Africa Centre

Ang gobyerno ng Alberta ay tumutugon sa COVID-19 pandemya sa pamamagitan ng pagprotekta sa mga buhay at kabuhayan na may tumpak na mga hakbang upang mabaluktot ang kurba, mapanatili ang maliliit na negosyo at protektahan ang sistema ng pangangalaga ng kalusugan ng Alberta.

Background o Sitwasyon

Ang 11 na komunidad na nakakaranas ng pinakamataas na rate ng pagkalat ay nahaharap sa ilang mga hadlang na mas laganap sa kanilang mga komunidad, kabilang ang:

  • Pagtatrabaho na nakaharap sa publiko, mga trabaho na may mas mataas na panganib – hal. pangangalaga sa kalusugan, maintenance, transportasyon.
  • Mas siksik na mga kaayusan sa pamumuhay na dulot ng mas mababa sa average na kita, madalas na may mga multi-pamilya o multi-henerasyon na bahay.
  • Mas maraming mga bagong dating sa Alberta na maaaring walang mga na-aangkop na suporta
  • Mas mataas na proporsyon ng mga indibidwal na may mga hadlang sa wikang Ingles.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Maria in Vancouver

Lifestyle5 days ago

How To Do Christmas & Hanukkah This Year

Christmas 2024 is literally just around the corner! Here in Vancouver, we just finished celebrating Taylor Swift’s last leg of...

Lifestyle1 month ago

Nobody Wants This…IRL (In Real Life)

Just like everyone else who’s binged on Netflix series, “Nobody Wants This” — a romcom about a newly single rabbi...

Lifestyle1 month ago

Family Estrangement: Why It’s Okay

Family estrangement is the absence of a previously long-standing relationship between family members via emotional or physical distancing to the...

Lifestyle3 months ago

Becoming Your Best Version

By Matter Laurel-Zalko As a woman, I’m constantly evolving. I’m constantly changing towards my better version each year. Actually, I’m...

Lifestyle3 months ago

The True Power of Manifestation

I truly believe in the power of our imagination and that what we believe in our lives is an actual...

Maria in Vancouver4 months ago

DECORATE YOUR HOME 101

By Matte Laurel-Zalko Our home interiors are an insight into our brains and our hearts. It is our own collaboration...

Maria in Vancouver4 months ago

Guide to Planning a Wedding in 2 Months

By Matte Laurel-Zalko Are you recently engaged and find yourself in a bit of a pickle because you and your...

Maria in Vancouver5 months ago

Staying Cool and Stylish this Summer

By Matte Laurel-Zalko I couldn’t agree more when the great late Ella Fitzgerald sang “Summertime and the livin’ is easy.”...

Maria in Vancouver6 months ago

Ageing Gratefully and Joyfully

My 56th trip around the sun is just around the corner! Whew. Wow. Admittedly, I used to be afraid of...

Maria in Vancouver6 months ago

My Love Affair With Pearls

On March 18, 2023, my article, The Power of Pearls was published. In that article, I wrote about the history...