Canada News
Mga babaguhin na pag-uulat ng COVID-19 sa mga paaralan
Ang wika na naglalarawan ng mga bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga paaralan ay binabago batay sa mga puna mula sa mga kasama sa edukasyon – kabilang ang mga magulang, paaralan, at board.
Sa kasalukuyan, ang mga paaralan na may mga kaso ng COVID-19 ay inilarawan bilang nasa alerto, sumiklab o sinusubaybayan. Ang bawat kategorya ay sumasalamin ng tiyak na bilang ng mga kaso sa isang partikular na paaralan.
Mula Enero 18, gagamitin ang mga sumusunod na termino:
- Alerto: isa hanggang apat na kaso
- Sumiklab: higit sa limang kaso
Ang terminong “watch” o sinusubaybayan kung saan natagpuan ng maraming kasama na nakakalito, ay hindi na gagamitin.
“Mula nang magsimula ang pandemya, malapit kaming nakikipagugnay sa sistema ng edukasyon at pinakikinggan ang kanilang mga puna. Ang pagbabago ng mga terminolohiya na ito ay batay sa kanilang kahilingan. Ang malinaw at simpleng wika ay makakatulong sa ating pagtutulungan kasama ang mga pamilya, Alberta Health Services at ang ating mga pamayanan sa paaralan upang mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral at kawani. ”
Adriana LaGrange, Minister of Education
“Kami ay nagtitiwala sa malinaw na komunikasyon, at ang pagbabago sa paglalarawan ng bilang ng mga kaso sa mga paaralan ay makakatulong sa pagpapabuti. Ang mga kataga o terminohiya na gagamitin natin ay mas madaling maunawaan, at inaasahan namin na ito ay makakatulong sa mga kawani at magulang para mas lalong maunawaan ang sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang mga paaralan. ”
Dr. Deena Hinshaw, chief medical officer of health
“Ang Alberta School Boards Association (ASBA) ay nagtataguyod para sa paglilipat ng terminolohiya na ginamit ng Gobyerno ng Alberta tungkol sa mga kaso ng COVID-19 sa mga paaralan at sumusuporta sa mga pagbabago na magbibigay ng kalinawan para sa mga kawani sa edukasyon, magulang, mag-aaral at mga kasapi ng pamayanan. Inaasahan namin ang patuloy na pakikipagtulungan sa ministeryo habang tinitiyak namin na ang priyoridad ay ang kaligtasan ng lahat ng mga mag-aaral at kawani. ” Lorrie Jess, president, Alberta School Boards Association
“Pinahahalagahan ng CASS ang panahon at pagsisikap ng ministeryo upang maitaguyod ang kahusayan, kaaninag at kalinawan sa pamamahala at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa epekto ng pandemik sa ating mga komunidad. Ang diskarteng ito ay matinding suporta sa layuning pagpapatakbo ng systema na nagpapanatili ng isang malakas na pakikipagsosyo sa ating mga kawani at mga pamayanang magulang. ”
David Keohane, executive director, College of Alberta School Superintendents
“Naniniwala ang ASBOA na ang paglilipat ng mga terminolohiya na ito ay magbabawas ng pagkalito at tataas ang kaaninag, na nauugnay sa mga kaso ng COVID-19 sa mga paaralan. Pinahahalagahan namin ang pagkakataong talakayin at magbigay ng puna sa ministeryo sa isang patuloy na batayan. ”
Dexter Durfey, president, Association of School Business Officials of Alberta
Ang mga paaralang may dalawa o higit pang mga kaso ay patuloy na maiuulat at makikita sa COVID-19 school map. Ang mga karagdagang materyales sa paggabay para sa pag-aaral sa panahon ng COVID-19 ay matatagpuan sa alberta.ca/returntoschool.
Ang suporta sa kalusugan ng publiko na ibinigay sa mga mag-aaral, kawani at pamilya ay walang pagbabago. Patuloy na aabisuhan ang mga magulang kapag mayroong isang solong kaso sa paaralan ng kanilang anak at ang karagdagang mga suporta ay ibibigay kapag mayroong dalawa o higit pang mga kaso sa isang paaralan.
Ang gobyerno ng Alberta ay tumutugon sa COVID-19 pandemya upang protektahan ang mga buhay at kabuhayan sa pamamagitan ng tumpak na mga hakbang upang mabaluktot ang kurba, mapanatili ang maliliit na negosyo at protektahan ang sistema ng pangangalaga ng kalusugan ni Alberta.
Quick facts. Madaliang Katotohanan
- Hanggang Enero 14, mayroong 15 mga kaso ng COVID-19 sa mga paaralan mula nang bumalik ang pag-aaral sa loob ng klase, ito ay kumakatawan ng 0.0019 porsyento ng populasyon ng mga mag-aaral. Sampung paaralan ang nakaalerto at dalawa ang nasa status ng pagsiklab.
- Ang data ng pagsiklab ng paaralan ay nasa online mula noong Setyembre 2020.