Art and Culture
Ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa at Kasaysayan! (August is National Language Month and History Month)
Embassy of the Philippines in Ottawa, Canada

(Photo courtesy of Embassy in the Philippines in Ottawa, Canada)
Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Canada at Sentro Rizal Ottawa ay malugod na nakikiisa sa pagdiriwang ng buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan 2025!
Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, itinatampok ng temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” ang mahalagang papel ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagbuo ng isang nagkakaisang bansa.
Bilang bahagi naman ng Buwan ng Kasaysayan, pinaiigting ng temang “Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan” ang papel ng kabataan sa pagbuo, pagsulat, paggawa, at pagtataguyod ng kasaysayan at kalinangan ng bayan.
Alinsunod sa pagdiriwang ngayong 2025 bilang Taon ng Kabataan sa Kasaysayan ng Pilipinas, hinihikayat ng tema na kilalanin ang kabataan— mula sa mga batang bayaning ipinamalas ang giting sa kabila ng mura nilang edad, hanggang sa mga batang manggagawang kultural na patuloy na tumutuklas at bumabalangkas sa ating mga pamana.
Mabuhay ang mga wikang Filipino!
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating mayamang kasaysayan!
#PHinCanada
#BuwanNgWika
#HistoryMonth2025
#OurHistoryContinues
#DiwaNgKasaysayanKabilinSaKabataan
#PatuloySaPagtuklas
#MakeItHistoric
