Columns
Pangarap: So, Our Journey Begins Tanong No. 10
Tanong No. 10 HANDA KA NA BA?
Sabi-Sabi: Boy Scouts lang ang laging handa.
Iba-iba ang kakayahan ng tao upang maging handa o masabing sila ay handa.
I remember, when we were leaving for abroad, isang taon yata akong nag-empake ng gamit. Pero hanggang sa the night before kami umalis, nag-eempake pa rin ako. Yet, packing your bags is the easiest thing to accomplish when you are leaving, whether it is for good or for a long period of time, or may be even for a vacation.
The emotional preparedness is probably one of the hardest things to hurdle. Ang hirap ihanda ang ating puso at diwa. Ang utak ay maaaring turuan, pero hindi ang nararamdaman ng puso, ang isinisigaw ng diwa. Nothing comes easy. But nothing is impossible.
Kung confident ka sa maraming aspeto ng iyong desisyon at masusi ang iyong naging paghahanda lalo na sa pagiging well-informed, lahat nang ‘yan ay maaaring pag-aralan. Sabi ko nga before, lahat ng bagay ay isang desisyon lang. You can decide to be happy. You can decide to try and make it.
Para sa akin, ang punto ng paghahanda ay hindi lamang sa haharapin, kundi para pa rin sa mga iiwanan at lalayuan. Kailangang maging handa ang iyong mga kamag-anak o kaibigang iiwanang tanggapin ang iyong desisyon. Kailangang alam nila na ok ka at confident kang mapagtatagumpayan mo ito. Kasi kung tunay silang nagmamahal sa iyo, hindi rin sila matatahimik ‘pag nakikitang malungkot ka at hindi nagtatagumpay.
Mabigat ang desisyong umalis. Nguni’t mas mabigat ang aspeto ng paghahanda
Ngunit kung magtulong-tulong ang bawa’t miyembro pamilya or even mga kaibigan mo lang, walang imposibleng harapin.
Ang Totoo: Mahirap masabing handa ka na. You can never be completely prepared. Just as you can never say enough will never be enough. But if you had done your homework, ika nga, dapat may tiwala kang everything, if not, most things, will be all right.
( Abangan sa susunod na isyu: Ang pagbabahagi ng ikalawang aklat ng Taglish version ng Pangarap Series. Sa pangalawang aklat, layunin kong mailarawan ang tamis ng tagumpay sa likod ng pangangarap nating makapangibang-bansa, at kung paano makakamit ang minimithi gamit ang determinasyon, kababaang-loob at pagharap sa riyalidad.)
_________________________________________
(Bolet is a marketing communications practitioner and dabbles in writing as a personal passion. She is author-publisher of the book: The Most Practical Immigrating and Job Hunting Survival Guide, proven simple steps to success without the fears and the doubts. book is available in Amazon.com, Barnes & Noble, Chapters/Indigo, the Reading Room and other online bookshops worldwide.
Please check out https://www.amazon.com/author/boletarevalo)