Columns
Pangarap : So, Our Journey Begins Tanong No. 9
Tanong No. 9
ANU-ANO ANG MGA DAPAT MONG IWASAN?
Sabi-Sabi: An ounce of prevention is worth more than a pound of cure.
Hindi dahil libre lang ang mangarap ay lalargahan mo naman to the point of frustration.
Iwasan mong mangarap nang wala ka namang determinasyon o kakayahang abutin. Kasi ang pangarap hindi dapat matapos sa pangarap lang. Dapat ang pangarap binibigyan ng puwang para matupad. Act on it, ika nga.
Iwasan mong mangarap ng hindi mo naman linya o hindi mo gustong gawin. Hindi dahil malaki ang kita ng pagna-nars, sige gusto mo na lang mag-nurse. Hindi ka magiging masaya. Hindi mo ito matatagalan.
Iwasan mo ang illegal recruiters or illegal immigration consultants. Iwasan mong mabulag o mabingi sa mga incredible na pangako dahil sa kagustuhan mong makalipad o makaalis. Makinig ka sa iyong pakiramdam. Sa isang proseso, kapag may nararamdaman kang mali, makinig ka rito.
Iwasan mong pangunahan ang magiging buhay mo sa abroad. Ayoko run kasi malamig; ayoko run kasi malungkot, ayoko run kasi walang balut at bagoong; ayoko run kasi walang Pasko.
Ako, kapag nalulungkot o nadi-discourage, ang iniisip ko, kung nakaya ng iba, kaya
ko rin. Kapag malungkot ka, sabi ko nga, kasalanan mo na.
Iwasan mong magbalik-tanaw sa dati mong buhay – maging masaya o malungkot , mariwasa o salat, madilim o makulay. Hindi makatutulong sa’yo ang patuloy na mabuhay sa nakaraan. Kung gusto mong alalahanin ang nakaraan, piliin mo lang ‘yung makapagpapasaya sa iyo at makapagdudulot ng ngiti sa iyong mga labi.
Iwasan mo ang mangutang o mag-iwan ng utang. And I mean, financial burdens, literally. Ang hirap kasi na magtrabaho sa abroad na ang lahat ng kinikita mo ay napupunta sa pagbabayad ng utang or pagpapadala ng suporta. Kung hindi maiiwasan ‘yan, keep everything at a manageable level. Keep it short-term. Meaning, ‘yung matatanaw mo kailan matatapos ang bayaran. Two years lang ang kontrata mo or stay mo sa abroad, tapos 3 years to pay ang loan. Malabo ‘yan.
Iwasan mo ang magsalita nang patapos. Two years lang ako, 2 kontrata lang ako, balik na ako. Ang temporary worker gustong maging permanent resident, ang permanent resident or immigrant, gustong mag-citizen. ‘Pag nag-citizen na ako, uwi na ako. Ayun, ‘yung mga nagsabi nun, andun pa rin sa abroad. Basta, go with the flow muna, ika nga. It is your best, least stressful, bet.
Ang Totoo: Minsan masarap din mabuhay sa kasabihang – just go with the flow. Magpa-agos ka sa daloy ng buhay. Ang kaya mo, gawin mo. Pero ang hindi mo kayang unawain, hayaan mong panahon ang magturo sa iyo ng magandang aral at takbo.
( Abangan sa susunod na isyu: Tanong No. 10 – Handa Ka Na Ba?)
___________________________________________
(Bolet is a marketing communications practitioner and dabbles in writing as a personal passion. She is author-publisher of the book: The Most Practical Immigrating and Job Hunting Survival Guide, proven simple steps to success without the fears and the doubts. book is available in Amazon.com, Barnes & Noble, Chapters/Indigo, the Reading Room and other online bookshops worldwide.
Please check out https://www.amazon.com/author/boletarevalo)