Columns
Pangarap : So, Our Journey Begins Tanong No. 8
Tanong No. 8
ALAM MO BA KUNG SAAN KA PUPUNTA?
Sabi-Sabi: Abroad equals dollar. Dollar equals maraming-maraming pesos.
Pangarap mo bang mag-abroad? Abroad? Saang abroad?
Alam mo ba saan mo gusto pumunta? Or ikaw mismo nagtatanong, saan mo ba gusto pumunta? Saan ba in-demand ang course mo? Ano’ng country ba ang welcoming sa mga immigrants? Saan ba maayos magpa-suweldo sa mga foreign workers? Saan ka ba may kakilala o kaibigan?
Ilan lang ‘yan siguro sa mga katanungan na dapat masagot mo. Hindi naman kasi on-the-spot decision ang pag-alis, so ang assumption is napag-isipan mo na kung saan mo gustong pumunta.
Maaaring ang “abroad” sa iyo ay ‘yung lugar na marami kang kamag-anak na puwedeng mapuntahan o aalalay sa iyo. Maaaring ang abroad ay kung saan ngayon nagtatrabaho ang kapamilya o malalapit mong kaibigan or kung saan in-demand ang linya ng iyong trabaho o kursong natapos mo. Or kung saan nabasa mong maraming opportunities for immigrants or foreign workers.
Mahalaga pa rin ang informed decision. Sa dami ng mga systems in place or efforts ng mga gobyernong magbigay ng gabay o tips, at sa advancement sa technology, kasalanan mo na siguro kapag naligaw ka pa.
Isa lang ang pamantayan: walang shortcuts to success!
‘Pag sinabing mura lang, madali lang, mabilis lang, sandali lang , doon lang, sige lang – ay naku, lagot, may mali d’yan!
Ang isang pag-iisipan mo rin ay kung kaya mong pakisamahan ang mga dadatnan mo sa lugar na balak mong puntahan – kamag-anak, kaibigan, at mga ibang kultura. Or whether you could handle the weather, ang food, the language barrier (if any), and the practice of religion.
Kailangan din ay updated ka sa mga balita. Syempre, magpipilit ka ba namang pumunta sa may giyera, may discrimination, may patayan, may bugbugan, may dayaan sa suweldo, may karahasan, at may kalupitan. Mabigat na nga sa kalooban ang pagsasakripisyo sa pag-alis, huwag mo nang ihain ang sarili sa physical harm o ibang kapamahakan sa kagustuhan mo lang makaalis.
Ang Totoo: Hindi lang ang kikitaing dollar or foreign currency ang batayan ng pagpunta sa isang bansa. Dapat sapat ang kaalaman mo sa bansang balak mong puntahan.
( Abangan sa susunod na isyu: Tanong No. 9 ANU-ANO ANG MGA DAPAT MONG IWASAN?)
___________________________________________
(Bolet is a marketing communications practitioner and dabbles in writing as a personal passion. She is author-publisher of the book: The Most Practical Immigrating and Job Hunting Survival Guide, proven simple steps to success without the fears and the doubts. book is available in Amazon.com, Barnes & Noble, Chapters/Indigo, the Reading Room and other online bookshops worldwide.
Please check out https://www.amazon.com/author/boletarevalo)