Columns
Pangarap : So, Our Journey Begins Tanong #6
Tanong No. 6
PAANO MO KAKAYANING TALIKURAN ANG LAHAT?
Sabi-Sabi: Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.
Tama naman ‘yan. It takes so much courage to go but even greater courage to come back and say you have achieved what you have set out to do; or maybe to admit that you did not come close to achieving what you initially wanted to do.
Isa lang naman ang dahilan kung bakit may mga taong kahit mayroong pagkakataon mangibang-bansa ay nagdadalawang-isip umalis.
Mahirap talikuran ang ginhawa, ang trabaho, ang pamilya, ang mga kaibigan, at ang iyong mahal na lupang sinilangan.
But come to think of it, ‘yan pa rin ang dahilan kung bakit dapat kang umalis o gusto mong umalis – pamilya – ang mas maginhawang buhay para sa pamilya at pagkilala ng mga kaibigan sa iyong kadakilaan, at maliit na kontribusyon sa ekonomiya ng iyong bayan.
So, paano mo kakayanin?
Una, huwag mong isiping ito’y pagtalikod. Isipin mong ito’y pagharap sa hamon ng buhay. Isipin mong ito’y isang paglalayag lamang. Isang journey na sa huli ay magbabalik sa’yo sa kanilang lahat (pamilya, kaibigan, bansa) bilang isang higit na matatag, matibay, mapagmahal, at mabuting tao.
Pangalawa, siguraduhin mong may kapanatagan ng loob at katiyakan ang iyong desisyon. Mahirap umalis nang may takot at walang katiyakan ang mga hakbang mong gagawin. One way to achieve this is by being thoroughly familiar sa lugar na pupuntahan mo at sa trabahong gagampanan mo.
Pangatlo, dalhin mo ang disiplina bilang tao at bilang manggagawa. Hindi ka kasi magiging masaya ‘pag lagi lang walang pera, laging kapos, laging nangungutang, walang ipon, at walang maipadalang pera.
Ang mga mauunlad na bansa ay mag-o-offer sa’yo ng mas maraming kaginhawahang madaling bilhin o utangin. So, ‘pag hindi ka nakapagpigil o wala kang disiplina, malulubog ka. Isa itong dahilan kung bakit yaong mga gustong umalis para sa 1 o 2 kontratang lang bilang OFW, umaabot na nang ‘di mabilang na taon , hindi pa makauwi-uwi sa ating bansa for good.
Pang-apat, bitbitin mo ang mga masasayang alaala pero hugutin mo lang ang mga ito sa iyong isipan at puso sa oras ng iyong pagpapahinga. Matuto kang mag-compartmentalize ng iyong damdamin at isipan. Meaning, learn to tackle your emotions, your needs, your wants one at a time. Isa-isa lang. Mahina ang kalaban.
Pang-lima, samahan mo ‘yan ng paglilibang. Sabi nga, kasalanan mo na kung malungkot ka. Create your own happy memories. Sige nga, magmukmok ka. Tingnan ko lang kung hindi ka ma-depress. Hindi naman kailangan maging mahal ang iyong paglilibang. Explore new places, make new friends, learn new things – be that a language, a culture, a recipe, a trade, a song, a hobby, a new job, etc.
Kaming mga nasa abroad na ay nasasaktan minsan kung ibinibintang sa amin ang pagtalikod at pagkalimot sa aming pinagmulan. May kani-kaniyang dahilan at circumstance ang bawa’t tao sa kanilang ginagawang desisyon at makabubuting unawain na lamang iyon. Minsan sinasabi ko sa mga anak ko, marami nang walang trabaho sa atin, mabuti at hindi na kayo dadagdag pa at maibigay na lang ang oportunidad doon sa mga walang kakayahang makapag-abroad.
Ang Totoo: Sa ating panahon, ang pag-alis ng bansa ay hindi itinuturing na pagtalikod. Hindi na ito pagtalikod, kundi pagharap sa hamon ng buhay. Ito ay isa nang kabayanihan. ‘Di nga ba “bayani” na ang tawag sa mga nagtatrabaho sa abroad?
( Abangan sa susunod na isyu: Tanong # 7 ANO’NG SUPORTA ANG IYONG KAILANGAN?)
___________________________________________
(Bolet is a marketing communications practitioner and dabbles in writing as a personal passion. She is author-publisher of the book: The Most Practical Immigrating and Job Hunting Survival Guide, proven simple steps to success without the fears and the doubts. book is available in Amazon.com, Barnes & Noble, Chapters/Indigo, the Reading Room and other online bookshops worldwide.
Please check out https://www.amazon.com/author/boletarevalo