Columns
Pangarap : So, Our Journey Begins Tanong #3
Tanong #3:
MAY DAHILAN KA BA PARA UMALIS?
Sabi-Sabi: Nasa ibang bansa ang “greener pasture” na tinatawag o mas maunlad na kabuhayan.
Yaong nga nakaaangat o nakaririwasa ay hindi marahil 100% sold sa idea na ang mas luntiang kabukiran ay matatagpuan lamang sa mas malawak na panig ng mundo, sa labas ng apat na sulok ng ating sariling bansa.
Sila ‘yung may naabot, sila ‘yung may edukasyon. Sila ‘yung dahil may edukasyon din ang mga magulang ay may namana o naipasang kaginhawahan sa buhay.
Hopefully, nagkakaisa tayo na ang edukasyon ang tanging siguradong paraan para maiangat natin ang ating sarili at ang ating pamilya.
Pero look around you, marami ring edukado at angat na tao ang nagkukumahog mangibang-bansa para sa sinasabing greener pasture. Mas madali ang pagpunta nila kasi may perang pampasahe or pambaon. Maybe. Pero sa totoo lang, mas mahirap ang pagpunta kasi mas mahirap mag-decide ang sector na ito. Maraming factors na dapat isaalang-alang. Maraming dapat pag-isipan. Ang maiiwang ari-arian, ang career, ang estado, ang kaginhawahan, in general.
On the other hand, ang mas mahirap o wala, o hindi pa umaangat masyado, mas mabilis maka-decide kasi wala masyadong maraming pag-iisipan. Pero wala namang pera o pampasahe man lang. Mag-iipon pa o maghahanap ng mauutangan para may pampasahe or baon.
Ang irony nga naman ng buhay.
Mahirap o mayaman, mababa o mataas man ang pinag-aralan, ang bottomline reason sa pag-alis ay hindi nagkakaiba – to seek greener pasture for oneself or may be for the family.
Mayaman o mahirap, anuman ang level of education na naabot, dalawang bagay lang ang importante:
Una, dapat malinaw sa iyo ang dahilan kung bakit gusto mong umalis.
Pangalawa, dapat may personal ka ring dahilan, dahilan na ikalulugod ng puso mo at pagkatao mo.
Hindi naman masama magmahal ng anak, asawa, kapatid, magulang, at iba pang miyembro ng pamilya pero ‘wag kang magkakamaling kalimutan mahalin ang iyong sarili at ang sariling kapakanan.
Masyado nang maraming sob stories at pang-telenovelang episodes ang paulit-ulit nating naririnig o maaaring nasaksihan sa mga nag-a-abroad kaya huwag na nating ambisyuning magkaroon pa nang ganoong istorya ang sarilli nating buhay. Hindi na dapat madagdagan pa ang mga malulungkot na kuwentong ganun.
Ang Totoo: Hindi minamadali ang pangarap. Lalung hindi dinadaya. So, kung sa pagtupad ng iyong pangarap makapag-abroad, may elemento ng pagmamadali at pagbaluktot ng kaya o hindi kaya, think again. May mali kapag ganun.
___________________________________________
(Bolet is a marketing communications practitioner and dabbles in writing as a personal passion. She is author-publisher of the book: The Most Practical Immigrating and Job Hunting Survival Guide, proven simple steps to success without the fears and the doubts. Book is available in Amazon.com, Barnes & Noble, Chapters/Indigo, the Reading Room and other online bookshops worldwide.
Please check out https://www.amazon.com/author/boletarevalo)
Pingback: Pangarap : So, Our Journey Begins Tanong #4 | Philippine Canadian Inquirer