Same old, same old. As usual, fake.
Wala na bang malutong na bagong fake news ang Pangulo? Sayang at may kaldero pa naman silang nagkakahalagang P50 Million.
Ilang beses na bang naglako ng pekeng balita ang Pangulo? Mula sa palpak na narcolist na may mga kasamang patay sa listahan, sa “ouster matrix” na dinamay pati si Jollibee, hanggang sa bigong pangako na tatapusin ang ilegal na droga sa loob ng 3-6 months at ENDO sa isang taon, ilang beses nang na “wow mali” at naloko ng Pangulo ang publiko.
Isang libong araw ng nakakulong si Senator Leila de Lima sa bisa ng mga pekeng paratang. Samantala, ang mga totoong kriminal at big-time druglord gaya ni Peter Lim ay malaya pa rin. Malaya ang bansang Tsina na kamkamin ang ating teritoryo at malayang-malaya ang mga tiwali at mandarambong at patuloy pa ngang nasa gobyerno.
Ito ang tunay na kalagayan ng ating bansa. Ito ang mga bagay na nilabanan ni Sen. De Lima.
Nananawagan ako sa lahat ng mamamayan na kakampi ng demokrasya at katotohanan, ituloy natin ang labang sinimulan ni Sen. De Lima. Gaano mang kadilim ang gabi, sisikat at sisikat pa rin ang araw at ang demokrasya ay magwawagi.