Tanong No. 7
ANO’NG SUPORTA ANG IYONG KAILANGAN?
Sabi-Sabi: No man is an island. Walang sinuman ang dapat mabuhay nang nag-iisa.
Madalas, sa mga mabibigat nating desisyon o kaganapan sa ating buhay, we feel so alone. Either dahil itinago muna natin ito or kasi it is so major and serious that family and friends rather stay out it, lest they get blamed later for helping you make a bad decision.
Pero minsan, mas gusto pa natin na wala na lang tayong marinig kaysa sobrang dami ng unsolicited advice na puwedeng makagulo lang sa ating isipan.
Nevertheless, ano pa man ang ating sabihin, iba pa rin ang may nararamdamang may karamay ka at kaagapay every step of the way or maybe somewhere along the way. Mas lumalakas ang ating loob or mas confident tayo ‘pag ganun.
Sa hirap ng buhay, pinakamahirap siguro ang maghanap ng financial support. Pero kung meron, dapat magtulong-tulong ang pamilya sa pag-re-raise ng kanilang pondo. Bago umani ng tubo, syempre may puhunan munang dapat ilaan. Sa desisyong mag-
abroad, may investment na involved kaya dapat paghandaan ‘yun. Tawagin mo itong investment at hindi gastos para alam mong dapat bumalik itong may tubo pa. Otherwise, may mali sa mga nangyari.
But in the end, you will realize, ikaw lang ang best support system ng iyong desisyon. Kailangan mong i-convince ang iyong sarili sa strength ng ginawa mong decision. And the best way to achieve that is: make sure you made a well-informed decision. Hindi mo kakayaning suportahan ang sarili mo sa isang desisyong magulo at hindi mo napag-isipan nang husto.
Ang Totoo: In the end, you will discover that you will be your own best friend. Ikaw pa rin ang makatutulong sa sarili mo at makauunawa ng lahat.
( Abangan sa susunod na isyu: Tanong # 8 ALAM MO BA KUNG SAAN KA PUPUNTA?)
___________________________________________
(Bolet is a marketing communications practitioner and dabbles in writing as a personal passion. She is author-publisher of the book: The Most Practical Immigrating and Job Hunting Survival Guide, proven simple steps to success without the fears and the doubts. book is available in Amazon.com, Barnes & Noble, Chapters/Indigo, the Reading Room and other online bookshops worldwide.
Please check out https://www.amazon.com/author/boletarevalo)