[bsa_pro_ad_space id=1 delay=10]

Pangarap : So, Our Journey Begins Tanong #4

By , on October 29, 2018


Tanong #4:

PAGSASAKRIPISYO BA ANG MAG-ABROAD?

 

Sabi-Sabi:  Mas makabuluhan ang pagsa-sakripisyo kung hindi para sa sarili.

Kaya raw tinawag ang isang bagay na sakripisyo ay dahil ginawa mo ito sa ngalan ng pagmamahal at pagkalinga sa iba.  Tulad ng maraming naghahangad ng magandang buhay para sa pamilya, ang pagpunta sa abroad ay gusto nilang tawaging sakripisyo.

Kaya lang bakit ba ‘pag tinawag nating sakripisyo, parang malungkot, ano?

Parang gaano man ka-bukal sa kalooban ang pagsasakripisyo, mayroon pa ring kurot sa puso at kirot sa dibdib.  Gaano mo man gustuhing maging masaya about it, parang may kulang pa rin.

‘Yan, ‘yan ang dahilan kung bakit sinasabi kong sa bagay na ito o sa desisyong pag-aabroad, dapat maghanap ka rin ng isang konkretong dahilan o hangarin para sa sarili mo. ‘Yung gusto mo ring marating o ma-achieve in the process na ginagawa mo itong sakripisyong ito.

While sa isip mo, ang pag-a-abroad ay ginagawa mo dahil gusto mong unahin ang kapakanan ng iyong pamilya, sa puso mo ay mag-nurture ka ng isang panaginip na kaya mong tuparin o gusto mo ring matupad. Not so because gusto mong umalis na masaya but more so because ayaw mong sisihin ang iba o ang iyong pamilya kung dahil sa pag-a-abroad ay hindi ka magiging masaya in the process and in the end.

Basta lahat dapat, ibalanse mo.

Ang Totoo:  Anumang labis ay mali. Dapat ibalanse mo ang pagmamahal sa iba at paglingap mo rin sa sarili mo. Kasalanan mo kung hindi ka magiging masaya.

(So far, sa topic na Pangarap Mo Ba Mag-Abroad?, nasagot na natin ang mga sumusunod na tanong – No. 1:  PAANO BA ANG MANGARAP? ,   No. 2:  KAILANGAN MO BANG MANGIBANG-BANSA; PARA MATUPAD ANG ISANG PANGARAP?,  No. 3:  MAY DAHILAN BA PARA KA UMALIS?,  at No. 4

PAGSASAKRIPISYO BA ANG MAG-ABROAD? Abangan sa susunod na isyu: Tanong #5  ANU-ANO BA ANG DAPAT UNAHIN PAGKATAPOS MAG-DESISYON MAG-ABROAD?)

___________________________________________

 

(Bolet is a marketing communications practitioner and dabbles in writing as a personal passion. She is author-publisher of the book:  The Most Practical Immigrating and Job Hunting Survival Guide, proven simple steps to success without the fears and the doubts. book is available in Amazon.com, Barnes & Noble, Chapters/Indigo, the Reading Room and other online bookshops worldwide.

Please check out  https://www.amazon.com/author/boletarevalo)

[bsa_pro_ad_space id=2 delay=10]