Breaking
An Immigrant Story: Nagsusumikap ang mga Bagong Imigranteng Mag-ipon para sa Kolehiyo
Sa ekonomiya ngayon, ang Filipina-Canadian na nagtatrabaho sa pangangalaga ng kalusugan na si Bing Orense ay nagsusumikap na mag-ipon para sa edukasyon ng mga anak niya.
Naglalagay pa rin siya ng $150 bawat buwan para sa dalawang anak niya – si Jenny, 15, at si NJ, 12 – sa kaalamang ito ay makabuluhang pamumuhunan sa hinaharap.
Sabi niya ay balewala kung kailangan siyang humiram ng pera para dito; natuto siya ng matinding leksyon mula sa karanasan niya sa panganay niyang anak na babae, ang 25-taong gulang na si Joanna.
Mahirap na pagsisimula
Dumating si Orense sa Canada sa ilalim ng Domestic Worker Program (Programa para sa Domestikong Manggagawa) noong 1990, apat na taon bago siya sinamahan ng pamilya niya sa bansa.
Katulad kung paano sa maraming bagong imigrante, ang pagsisimula ng bagong buhay nang magkakasama ay mahirap sa una dahil si Orense at ang mister niya ay pumasok sa mga kakaibang trabaho para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Narinig niya ang tungkol sa Registered Education Savings Plan (RESP) (Plano sa Rehistradong Pag-iipon sa Edukasyon), isang tax-sheltered na opsyon sa pamumuhunan para sa mga magulang at tagapag-alaga para makaipon para sa post-secondary na edukasyon ng kanilang mga anak, sa pamamagitan ng ahente ng insurance. Subalit, dahil maraming gastos ang tutugunan, walang ekstrang pera para ibigay sa RESP.
“Nagsisimula ito sa pagiging abot-kaya,” sabi ni Orense. “Sahod ito kalaban ng gastos – ano ang aking mga prayoridad? Sa pagkain, tirahan, pananamit, transportasyon at ilang gastos sa libangan, hindi sapat ang aming sahod para masakop ang mga pangunahing pangangailangan.”
Bumuti ang kalagayan ng pamilya noong 2001 noong nakahanap si Orense at ang mister niya ng mga regular na trabaho na may pinalawak na benepisyong pangkalusugan at dental. Nagsimula silang magtabi ng $100 bawat buwan, pero huli na.
“Sahod ito kalaban ng gastos – ano ang aking mga prayoridad?”
Hindi sapat ang naipon para bayaran ang matrikula ng anak nilang si Joanne noong nagsimula siyang pumasok sa University of British Columbia (UBC) noong 2008.
Pinaliwanag ni Orense na nakakuha sila ng halos $8,000 mula sa RESP ni Joanne, na sapat lang para bayaran ang una niyang taon sa UBC.
Kinailangan niya at ng asawa niyang kumuha ng mga taunang utang na halos nasa $10,000 para mabayaran ang ikalawa hanggang ika-apat na taon ng pag-aaral ni Joanna. Masyadong bumigat ang dalahin na sa huli niyang taon sa unibersidad, nag-alok na si Joanna na kumuha ng pautang na pang-mag-aaral.
Sabi ni Orense, ang dahilan kung bakit nais niya at ng kaniyang mister na umutang para bayaran ang karamihan sa edukasyon ni Joanna ay dahil nais nila itong suportahan.
“Sa palagay ko, kaming mga Filipino ay sanay na magbayad para sa edukasyon ng aming mga anak,” ipinaliwanag ni Orense. “Noong panahong iyon, iyon ang gusto naming mag-asawa… hinikayat namin siyang patuloy na mag-aral, matuto at makakuha ng degree.”
Ang katotohanan ng pagbabayad sa sarili niyang pag-aaral ay may kasamang maraming sakripisyo para kay Joanna. Tumira at naglagi siya sa bahay habang pumapasok sa unibersidad para makatipid sa gastos sa dorm at upa. Ang batang mag-aaral ay pumasok din sa mga iba’t ibang trabaho para mabayaran ang baon niya at ibang gastusin.
Kahalagahan ng maagang pag-iipon
Bagaman sa paniwala ni Orense ang karanasang ito ay nagturo kay Joanna kung paano mag-budget at mag-ipon ng pera, iba ang ginagawa niyang pamamaraan sa mga mas bata niyang anak, dahil nasimulan niya nang maaga ang pag-iipon para sa kanilang edukasyon.
Bagaman mas malaki na ngayon ang gastos ng pamilya nila, sinusubukan niyang mag-ipon para sa edukasyon ng kanyang mga anak kahit na nangangahulugan itong magsimula nang maliit.
“Nagsisisi ako na hindi ko sinulit ang karamihan sa 20 porsiyento na binigay ng pamahalaan kaya sinusubukan ko at pinupuwersa ang sarili kong mag-ipon,” sabi ni Orense. “Ang bawat ekstrang mayroon ako ay pumupunta doon, pamumuhunan ito.”
Sang-ayon ang tagapayong pampinansyal na si Lorina Serafico.
Si Serafico din ay co-founder ng Vancouver Committee for Domestic Workers and Caregivers Rights (CDWCR). Ang organisasyon ay nagsasagawa ng mga lingguhang sesyon para bigyang kapangyarihan ang mga tagapag-alaga sa pamamagitan ng mga kaalaman sa mga isyu katulad ng mga karapatan ng manggagawa, mga patakaran ng imigrasyon at pinansiyal na literasiya.
“Nagsisisi ako na hindi ko sinulit ang karamihan sa 20 porsiyento na binigay ng pamahalaan.”
Aminado si Serafico na ang pag-iipon para sa edukasyon ay halos hindi prayoridad para sa maraming tagapag-alaga sa mga una nilang taon sa Canada. Kadalasan ito ay may kinalaman sa pansamantala nilang katayuan sa simula.
“Mahirap para sa mga yaya dahil wala pa dito ang mga anak nila kaya ang pag-iipon para sa edukasyon nila ay malayo pa sa kanilang isipan,” pinapaliwanag niya. “Ang kanilang prayoridad ay makakuha muna ng katayuan bilang permanenteng residente para makapunta dito ang kanilang mister at mga anak.”
Dinagdag niya na kapag nadala na nila ang kanilang pamilya sa Canada, limitado din ang pagkukunan ng pera ng mga tagapag-alagang ito na maaaring mapunta sa ipon dahil marami sa kanila ay may utang pa para mabayaran ang gastos sa paglipat sa bagong bansa.
Samantalahin ang libreng bagay
Sa kabila ng mga paghamong ito, sinabi ni Serafico na may mga paraan para magsimulang mag-ipon para sa edukasyon nang maaga sa kundisyon na dapat gawin itong prayoridad.
Magagamit ng mga bagong salta ang pera mula sa mga programang tulong ng pamahalaan tulad ng Child Tax Benefit at ang Universal Child Care Benefit para simulan ang RESP ng kanilang mga anak.
Sabi ni Serafico, maraming tagapag-alaga ang maaaring matuto tungkol sa RESP kapag nakatanggap sila ng abiso mula sa pamahalaan ng pagiging karapat-dapat nila sa Canada Learning Bond (Garantiya para sa Pag-aaral sa Canada), isang grant na ibinibigay sa mga anak ng mga pamilyang mababa ang kita para makatulong na simulan ang mga pag-iipon nila para sa edukasyon.
Hinihikayat rin niya ang mga Filipino na tigilan na ang nakasanayang pagpapadala sa mga anak nila sa pribadong elementarya at mataas na paaralan dahil maaari nilang samantalahin ang sistema ng pampublikong paaralan at gamitin ang pera para sa halip ay mag-ipon para sa post-secondary na edukasyon.
“Maaari kang magsimula nang maliit, at samantalahin ang libreng bagay at anumang pera na mailalagay mo para sa kolehiyo, ilagay mo iyon doon,” panghihikayat ni Serafico.
—
Bumisita sa SmartSAVER.org para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Registered Education Savings Plans (RESP) at simulan ang RESP sa mapagpipilian mong anim na pangunahing bangko at mga credit union. Ang impormasyon sa RESP ay makukuha sa 16 wika. Mag-apply online sa pagitan ng Nob. 1 at Dis. 31, 2015 at awtomatiko kang maisasali para manalo ng isa sa siyam na $1,000 lingguhang premyo! Alamin ang mas marami pa sa: www.SmartSAVER.org
Ang nilalamang ito ay eksklusibong ginawa para sa New Canadian Media at nilalathala nang may pahintulot.