Connect with us

Canada News

Mga bagong grant, makakatulong kontra rasismo at maitaguyod ang inclusivity

Published

on

Applicationsfor grants will be accepted until 5 p.m. (Pacific time) on Oct. 14, 2025. (Pexels photo)

VICTORIA – Ang mga mamamayan sa B.C. ay makakakita na ng mga mas matatag at mas maraming ingklusibong komunidad dahil ang mga lokal na organisasyon ay maaari na ngayong mag-apply para sa mga grant mula sa province na sinusuportahan ang mga proyektong nilalabanan ang rasimo at nagtataguyod ng kultural na pagkakaunawaan.

“Nararapat lamang na ang lahat ng indibdwal ay maramdamang ligtas, nirerespeto at pinapahalagahan sa kanilang komunidad,” sabi ni Niki Sharma, Attorney General. “Sa pamamagitan ng pag-invest sa mga proyektong pinamumunuan ng mga komunidad, nakapagbibigay tayo sa mga organisasyon ng mga pamamaraang kailangan nila upang maipagtipon ang mga mamamayan, maipagdiwang ang ating pagkakaiba-iba at maisakatuparan ang pangmatagalang progreso laban sa rasismo.”

Ang taon-taong B.C. Multiculturalism and Anti-Racism Grants program ay nagbibigay sa mga kwalipikadong organisasyon ng hanggang $5,000 upang mabayaran ang gastusin para sa mga proyektong nakakatulong para mabawasan ang sistemikong rasismo at/o makapagtaguyod ng multikulturalismo sa pamamagitan ng edukasyon, pagpapalawak ng kaalaman o awareness at mga interaksiyon. Kabilang sa mga halimbawa ng mga proyektong nakatanggap ng pagpopondo ang mga kultural na selebrasyon, mga edukasyonal na workshop, mga film festival, mga anti-hate helpline at iba pang aktibidad na nakapagtataguyod ng pagkamakatarungan (equity) at ingklusyon.

Tatanggapin ang mga grant application hanggang Oktubre 14, 2025, 5 p.m. (Pacific time).

Bibigyan ng priyoridad ang mga aplikasyon mula sa mga organisasyong pinamumunuan o pinaglilingkuran ang mga Indigenous, Black at iba pang racialized na komunidad. Upang maging kwalipikado, kailangang magsimula ang mga proyekto sa Abril 1, 2026 at matapos ito hanggang Marso 31, 2027. Bibigyan ng abiso ang mga nagtagumpay na makakatanggap ng grant sa Marso 2026.

order fluoxetine online in the best USA pharmacy https://bristolrehabclinic.ca/wp-content/uploads/2025/12/wiki/wiki-fluoxetine.html no prescription with fast delivery drugstore

“Ang grant na natanggangap namin ay nakapagbigay ng pag-asa sa mga bagong dating sa B.C. na taga-Afghanistan na tumakas mula sa digmaan at nawalan ng mga anak at pamilya dahil sa karahasan,” sabi ni Ahmad Safwan, president ng Afghan Community Society of Nanaimo na nakatanggap ng $5,000 noong 2024-2025. “Nakatulong ito para magkaroon kami ng mga programa na nakatulong upang sila’y maghilom, makapagsimula muli at maramdamang sila ay kabilang dito sa Nanaimo. Nakapaghatid rin kami ng edukasyon para sa mga newcomer tungkol sa kung paano pinapahalagahan ng B.C. ang multikulturalismo at iginagalang ang diversity o pagkakaiba-iba. Ipinakita nito sa aming komunidad na sa kabila ng paghihirap, ay mayroong malasakit, pakikiisa at isang mas maliwanag na kinabukasang maaabot dito sa Canada.”

Mula nang inilunsad ito noong 2015, ang grant program ay nakapagbigay ng halos $3 milyon sa mahigit 650 proyekto sa B.C. Natulungan ng programang ito ang mga organisasyong sumusuporta sa mga Indigenous at racialized na indibidwal, at nagtataguyod ng isang province na mas malugod na tinatanggap ang mga indibidwal at makatarungan. Noong 2025, ang programa ay nakapagbigay ng kabuuang $300,000 sa 60 proyekto.

“Nakakatulong ang mga grant na ito para mapalakas ang boses ng mga indibidwal na nagsisikap para malabanan ang rasismo,” sabi ni Amna Shah, parliamentary secretary for anti-racism initiatives. “Alam natin na ang mga lokal na organisasyon ang nasa sentro ng pagsisikap na ito. Sa pamamagitan ng pag-invest sa mga proyektong ito, pinapatatag natin ang ating mga network para malabanan ang rasismo sa iba’t ibang panig ng B.C. at isinasakatuparan ang isang hinaharap kung saan ipinagdiriwang ang pagkakaiba-iba at ang lahat ay maaaring magtagumpay.”

Ang grants program na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Province upang malabanan ang kapootan at maitaguyod ang ingklusyon. Kasabay ito ng mga inisyatiba tulad ng Anti-Hate Community Support Fund, Anti-Racism Act at ng Racist Incident Helpline.

order imuran online in the best USA pharmacy https://bristolrehabclinic.ca/wp-content/uploads/2025/12/wiki/wiki-imuran.html no prescription with fast delivery drugstore

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Maria in Vancouver

Lifestyle2 weeks ago

When Family Ties Break: Learning to Live With Estrangement

There was a time when the idea of becoming estranged from your own family seemed almost unthinkable. Family was family....

Headline4 weeks ago

A Day In My Life

There was a time when I thought a fulfilling life had to be busy to be meaningful. Now, I think...

Headline1 month ago

Letting Go with Love

There is a particular kind of heartbreak that comes with watching your child grow up. It isn’t the heartbreak of...

Headline2 months ago

Living With Anxiety: The Invisible Weight We Carry

There are illnesses we can see, and then there are the ones we learn to hide. Anxiety is often one...

Headline2 months ago

The Art of A Slow Weekend

We live in a world that glorifies being busy. Some people wear exhaustion like a badge of honour. Calendars are...

Headline3 months ago

Why We Chose an Intimate Wedding — And Why More Couples Are Doing the Same

Every wedding anniversary takes me back to one of the most magical days of our lives and reminds me why...

Headline3 months ago

Celebrating Turning 58

Birthdays have a way of making us pause—not to count the years we’ve lived, but to appreciate the countless blessings...

Lifestyle4 months ago

The Painful Reality of Losing Someone

Recently, I experienced the painful reality of losing someone through others. One friend lost her fiancé to death, while another...

Headline4 months ago

The Sobering Reality of Growing Old

Growing old brings a sobering reality: time is finite.  You watch your body slow down, see your parents age, and...

Lifestyle5 months ago

Dr. David Suzuki’s Legacy: A Celebration at 90

Celebrating Dr. David Suzuki’s 90th birthday on Friday, May 22  was a true privilege and a great pleasure! My husband,...