Connect with us

Canada News

Mga pahayag ng premier at minister para sa Labour Day

Published

on

VICTORIA – Naglabas ng pahayag si Premier David Eby para sa pagmamarka ng Labour Day:

“Ang mga manggagawa ang puwersa ng tagumpay ng ating province: ang mga nagtatrabaho sa mga palayan, mga flight attendant, mga retail worker, mga clerk, mga tagalinis, mga trucker, mga aide ng mga guro, mga first responder at marami pang iba. Dito sa British Columbia, ang mga tao ang ekonomiya.

“Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga manggagawa at ng kilusang manggagawa. Ang Labour Day o Araw ng Paggawa ay isang oportunidad upang gunitain at bigyang-pugay ang mga bagay na ipinaglaban – at ipinanalo – ng pagkilos ng mga manggagawa – kung saan marami sa mga ito ay mga karapatang kasalukuyan nating tinatamasa. Kabilang dito ang maternity at paternal leave, overtime pay at mga pamantayan sa kaligtasan sa mga lugar ng trabaho.

“Dedikado ang ating pamahalaan na gawing mas maginhawa ang pamumuhay ng mga manggagawa sa province na ito. Nitong nakaraang taon, itinaas natin ang minimum wage sa $17.85 kada oras, ang pinakamataas sa lahat ng province sa Canada. Noong Abril, nagsagawa tayo ng mga pagbabago sa Employment Standards Act na magtatanggal ng pangangailangan ng mga manggagawa na magbigay ng mga sick note para sa panandaliang pagliban sa trabaho.

“Dumadagdag ito sa ating mga kolektibong tagumpay, kabilang ang pagbibigay proteksiyon sa mga manggagawa sa pamamagitan ng paid sick leave, pagbalik sa pampublikong sistema ng libo-libong manggagawa sa mga serbisyong pangkalusugan, at pagbawas sa mga singil sa child care nang kalahati o higit pa para sa maraming nagtatrabahong magulang.

“Kasama bilang partner ang kilusang manggagawa, ipinakilala namin ang hanggang limang araw na paid leave o may bayad na bakasyon kada taon para sa mga manggagawang nakakaranas ng karahasan sa tahanan o pansekswal na karahasan. Naipakilala rin namin ang lehislasyon para sa pay transparency (malinaw at bukas na pagsisiwalat ng halaga ng mga sweldo) upang mabawasan ang gender pay gap (agwat o pagkakaiba ng kita sa pagitan ng iba’t ibang kasarian). Ginawa nating mandatoryo para sa mga employer at mga construction site na may 25 manggagawa o higit pa na maglagay ng mga flush toilet, pasilidad para sa paghuhugas ng kamay at malilinis na banyo. Nakapaghatid rin tayo ng mga pangunahing proteksiyon at mga hakbang para magkaroon ng minimum-wage ang mga app-based ride-hailing at delivery services worker.

“Ang mga demokrasya ay itinataguyod ng lakas ng mga manggagawa. Nagpapasalamat kami sa mga indibidwal na nagtatrabaho sa B.C. sa kanilang dedikasyon upang maging mas maunlad at mas masagana ang ating province para mamuhay at makapagtrabaho ang mga mamamayan.

“Maligayang pagdiriwang ng Labour Day!”

Pahayag ni Jennifer Whiteside, Minister of Labour:

“Ngayong Labour Day, pinagninilayan ko ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng ating province. Bilang Minister of Labour, ikinararangal kong tumindig kaisa ang mga manggagawa at tumulong para maprotektahan ang mga pinaghirapan na pag-unlad na matagumpay na nakamit ng mga unyon at ng kilusang manggagawa. Kapag tayo’y nagkakaisa, nagtataguyod tayo ng mga ligtas na lugar ng trabaho at mas matatag na kinabukasan para sa lahat dito sa B.C.”

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Maria in Vancouver

Lifestyle4 days ago

The Real Rich

Margaret Atwood aptly captured this dynamic with the phrase, “Old money whispers, new money shouts.”  Let me elaborate on this...

Headline3 weeks ago

Love in the Afternoon of Life

Love in later life—the 50s, 60s, 70s, and beyond—is a thriving, fulfilling reality. It offers companionship, improved well-being, and joy,...

Headline4 weeks ago

Your Most Important Relationship is With Yourself

Valentine’s Day shouldn’t be celebrated only for one day. Love should be celebrated everyday. Valentine’s Day, when expanded beyond romance,...

Headline2 months ago

The 2016 Trend Made Me Reflect On My Past & Present

Like many others, I couldn’t resist joining the 2016 throwback trend.  It was all over social media, with everyone sharing...

Headline2 months ago

How To Be Healthier Realistically

It’s a brand-new year and a brand new you! If you’re like me who had been indulging quite a bit...

Headline3 months ago

Celebrating The Spirit Of Christmas

For many people, Christmas is the loneliest time of the year — it could be due to the fact that...

Headline3 months ago

Fun Facts About Christmas

It’s definitely beginning to look and smell a lot like Christmas! The beautiful thing about Christmas is that it’s mandatory...

Lifestyle4 months ago

How To Keep The Music Playing

You and your partner or spouse have been in a long-term relationship. Somehow, over the years, the fizz has fizzled...

Headline4 months ago

Declutter Your Life

There will be days when we feel like too much is going on around us — too much unnecessary noise...

Health5 months ago

A Healthy Mind Matters

Like the rest of the world, I was deeply saddened and shocked when I read that TikTok influencer, Emman Atienza...