Connect with us

Canada News

Paggawa ng aksyon ukol sa panloloko sa imigrasyon

Published

on

Toronto Pearson Airport

Bilang karagdagan sa mga bagong hakbang na ito, ang pamahalaan ng Alberta ay patuloy makikipagtulungan sa lahat ng mga ministri, at iba pang mga lalawigan at mga teritoryo at ang pederal na pamahalaan upang tugunan ang panloloko sa imigrasyon. (File photo: Lumi W/Unsplash)

Pinapalakas at pinapalawak ng pamahalaan ng Alberta ang mga proteksyon sa panloloko para sa programa ng Kalamangan sa Imigrasyon ng Alberta (Alberta Advantage Immigration) upang matugunan ang tumataas na panloloko sa imigrasyon.

Ang pagpapatupad ng batas, mga kasosyo, mga pederal na awtoridad ng imigrasyon at mga lalawigan at mga teritoryo ay nag-uulat ng pagtaas at pagiging sopistikado ng panloloko sa imigrasyon, na maaaring negatibong makaapekto sa mga taong umaasang gawing kanilang tahanan ang Alberta.

Ang Kalamangan sa Imigrasyon ng Alberta (Alberta Advantage Immigration) na Programa ay may mga umiiral na mekanismong panlaban sa panloloko at ang pamahalaan ay nagdaragdag ng mga karagdagang hakbang upang maprotektahan ang mga bagong dating. Ang pinalawak na mga hakbang na panlaban sa panloloko ay kasama ang pagtuklas ng panloloko, kahusayan sa dalubhasang pag-imbestiga, at pagpapalakas ng pagiging karapat-dapat sa inaalok na trabaho at mga limitasyon sa pagpapatunay upang mapataas ang mga proteksyon para sa mga imigrante at mas mapangalagaan ang mga positibong resulta ng imigrasyon sa ekonomiya.

Bilang karagdagan sa mga bagong hakbang na ito, ang pamahalaan ng Alberta ay patuloy makikipagtulungan sa lahat ng mga ministri, at iba pang mga lalawigan at mga teritoryo at ang pederal na pamahalaan upang tugunan ang panloloko sa imigrasyon.

“Ang pang-ekonomiyang imigrasyon ay kritikal sa pag-unlad ng ating lalawigan. Sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon sa pagtaas ng pagiging sopistikado at dami ng panloloko, patuloy naming poprotektahan ang mga interes ng ating mga komunidad, mga industriya at mga tagapag-empleyo at susuportahan ang paglago ng ekonomiya ng Alberta. Nakakatulong din ito sa amin na matiyak na natutugunan namin ang mga pangangailangan ng mga bagong dating na tinatanggap namin sa Alberta.”

Muhammad Yaseen, Ministro ng Imigrasyon at Multikulturalismo 

“Ang Kalamangan sa Imigrasyon ng Alberta (Alberta Advantage Immigration) na Programa ay nagpapakita ng hindi kapani-paniwalang pangako sa ating mga kanayunang komunidad bilang isang instrumento para sa paglutas ng ilan sa ating mga kakulangan sa manggagawa. Binigyang-daan nito ang ating mga mamamayan na makaakit ng dose-dosenang mga kwalipikadong manggagawa sa mga maliliit na bayan, kasama ang kanilang mga pamilya. Ang mga kawani ng munisipyo na nagtatrabaho sa mga front line ng mga programang ito ay binaha ng libu-libong mga katanungan at nalantad sa panganib sa hindi maiiwasang mga pagtatangka sa panloloko na sa kasamaang palad ay kasama nila. Pinupuri namin ang ministro sa pagsasagawa ng mga maagap na hakbang upang matugunan ang mga isyung ito upang ang ating mga tao ay makapag-pokus sa pagpapares ng mga bagong dating sa mga lokal na trabaho.”

Jim Willett, tagapangulo, SouthGrow Regional Initiative 

Programa ng Kalamangan sa Imigrasyon ng Alberta (Alberta Advantage Immigration Program)

Ang Programa ng Kalamangan sa Imigrasyon ng Alberta (Alberta Advantage Immigration) ay isang pang-ekonomiyang imigrasyon na programa na nagpapalakas at nagpapalago sa ekonomiya sa pamamagitan ng pag-akit ng mga mahuhusay, kinakailangan na manggagawa upang punan ang mga kakulangan sa paggawa, gayundin ang mga negosyante na gustong magsimula o magpalago ng negosyo at lumikha ng mga trabaho. Pinapatakbo sa pakikipag-ugnayan sa pederal na pamahalaan, binibigyang-daan ng programa ang pamahalaan ng Alberta na tugunan ang mga panlalawigang paghamon sa merkado ng paggawa at mga puwang sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng mga kinakailangang indibidwal.

Noong 2023, ang Alberta ang may pinakamataas na antas ng trabaho sa mga lalawigan, at ang full-time na trabaho ay umaabot ng higit sa 80 porsyento ng kabuuang trabaho sa Alberta. Mananatili pa rin ang mga kakulangan sa manggagawa sa mga ilang industriya at tinutulungan ng Kalamangan sa Imigrasyon ng Alberta (Alberta Advantage Immigration) na Programa ang mga tagapag-empleyo na makahanap ng mga manggagawang kailangan nila.

Mabilis na mga katotohanan

  • Kasama sa panloloko sa imigrasyon ang: 
    • Paniningil ng mga bayarin para sa isang inaalok na trabaho. Kung ang isang tagapag-empleyo o ahensiya ng pagtatrabaho ay naniningil ng
      anumang uri ng bayarin, maaaring makatulong ang pamahalaan ng Alberta. Tawagan ang aming linya ng impormasyon sa 310-0000 at
      hilingin ang Mga Pamantayan ng Pagtatrabaho [Employment Standards] o ang Opisina ng Pagpapayo sa Pansamantalang Dayuhang Manggagawa [Temporary Foreign Worker Advisory].
    • Ang mali o mapanlinlang na impormasyon sa isang aplikasyon ng AAIP ay itinuturing na isang gawain ng maling representasyon. Ang hindi tama, mapanlinlang, o mandarayang impormasyon ay maaaring magresulta sa pagtanggi ng aplikasyon ng isang nominado at ang aplikante ay pagbawalan na (muling) mag-aplay sa programa nang hanggang limang taon.
    • Maling pag-uugali ng ikatlong partido. Kapag kumikilos sa ngalan ng isang aplikante, ang ikatlong partidong tagarekluta o kinatawan ng imigrasyon ay nagsasagawa ng mga ilegal, hindi awtorisado, mapanlinlang at/o iba pang mga hindi propesyonal na kasanayan.
  • Kasama sa mga umiiral na mga kagamitan na panlaban sa panloloko at pamprotekta sa integridad ng programa ng AAIP ang: 
    • Mga pagbisita sa site ng tagapag-empleyo at pagpapatunay ng mga alok ng trabaho, mga reperensiyang sulat, edukasyon at mga dokumento ng pagsusulit sa wika sa pamamagitan ng maraming mga pinagmulan.
    • Mga pagsusuri ng data at pakikipagtulungan sa ibang mga organisasyon upang matukoy ang pagiging lehitimo ng mga negosyo o mga kinatawan ng imigrasyon na konektado sa isang aplikasyon o maramihang mga aplikasyon.
    • Walang pagkiling na pagsusuri ng mga kahilingan para sa muling pagsasaalang-alang na humahamon sa mga negatibong desisyon sa pagiging karapat-dapat.
    • Pagsasama ng epektibong pamamahala sa peligro, katiyakan sa kalidad, at mga kasanayan sa pagpigil at pagtuklas ng panloloko.

Kaugnay na impormasyon

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Maria in Vancouver

Maria in Vancouver1 week ago

Fantabulous Christmas Party Ideas

It’s that special and merry time of the year when you get to have a wonderful excuse to celebrate amongst...

Lifestyle2 weeks ago

How To Do Christmas & Hanukkah This Year

Christmas 2024 is literally just around the corner! Here in Vancouver, we just finished celebrating Taylor Swift’s last leg of...

Lifestyle1 month ago

Nobody Wants This…IRL (In Real Life)

Just like everyone else who’s binged on Netflix series, “Nobody Wants This” — a romcom about a newly single rabbi...

Lifestyle2 months ago

Family Estrangement: Why It’s Okay

Family estrangement is the absence of a previously long-standing relationship between family members via emotional or physical distancing to the...

Lifestyle3 months ago

Becoming Your Best Version

By Matter Laurel-Zalko As a woman, I’m constantly evolving. I’m constantly changing towards my better version each year. Actually, I’m...

Lifestyle3 months ago

The True Power of Manifestation

I truly believe in the power of our imagination and that what we believe in our lives is an actual...

Maria in Vancouver5 months ago

DECORATE YOUR HOME 101

By Matte Laurel-Zalko Our home interiors are an insight into our brains and our hearts. It is our own collaboration...

Maria in Vancouver5 months ago

Guide to Planning a Wedding in 2 Months

By Matte Laurel-Zalko Are you recently engaged and find yourself in a bit of a pickle because you and your...

Maria in Vancouver5 months ago

Staying Cool and Stylish this Summer

By Matte Laurel-Zalko I couldn’t agree more when the great late Ella Fitzgerald sang “Summertime and the livin’ is easy.”...

Maria in Vancouver6 months ago

Ageing Gratefully and Joyfully

My 56th trip around the sun is just around the corner! Whew. Wow. Admittedly, I used to be afraid of...