Canada News
Planong kurikulum ng araling panlipunan: Sumali sa usapan
Inaanyayahan muli ang mga Albertan na magbigay ng pagpuna sa mga mahalagang matutunan sa bagong plano ng kurikulum ng araling panlipunan.
Sa nakalipas na pitong buwan, ang Alberta Education ay nakikipag-ugnayan sa mga kasosyo sa edukasyon at sa komunidad, kasama ang mga espesyalista sa pagpapaunlad ng kurikulum, upang bumuo ng isang bagong kurikulum ng araling panlipunan. Mahigit sa 300 kasosyo sa edukasyon, guro, multikultural na organisasyon, Katutubo at francophone na komunidad ang nakipag-ugnayan upang mangalap ng mahalagang puna para makatulong sa pagbuo ng isang komprehensibong bagong plano ng kindergarten hanggang Grade 12 (K-12) na pangkalahatang-ideya ng kurikulum ng araling panlipunan at plano ng K-6 kurikulum ng araling panlipunan. Bukas na ang pangalawang pampublikong pakikipag-ugnayan ngayon hanggang Marso 29. Maaaring basahin ng mga Albertan ang bagong plano ng K-6 kurikulum at magbigay ng kanilang puna.
“Salamat sa maraming mga kasosyo sa edukasyon, mga organisasyong pangkomunidad at mga Albertan na nagbigay ng input sa pagbuo ng bagong planong kurikulum ng araling panlipunan. Ang iyong mahahalagang kontribusyon ay makakatulong na matiyak na ang mga mag-aaral sa Alberta ay matututo mula sa isang kurikulum na bumubuo sa kanilang kritikal na pag-iisip, paglutas ng problema at mga kasanayan sa paggawa ng desisyon, at nagbibigay-kapangyarihan sa kanila na maging kasangkot na mga mamamayan. Hinihikayat ko ang lahat ng Albertans na ibahagi ang kanilang puna sa mga pangunahing natutunan sa planong kurikulum ng araling panlipunan, at umaasa ako na may higit pang mga pagkakataon para sa pakikipagtulungan sa hinaharap.”
Demetrios Nicolaides, Ministro ng Edukasyon
Ang proseso ng konsultasyon ay nagsimula noong tag-init 2023, nang ang ministro ng edukasyon ay nakipagpulong sa iba’t ibang mga kasosyo sa edukasyon upang bumuo ng pag-unawa sa napabago na diskarte sa pakikipag-ugnayan at proseso para sa pagbuo ng kurikulum sa hinaharap, simula sa mga araling panlipunan.
Noong taglagas ng 2023, bilang bahagi ng isang yugto-yugto na diskarte sa pakikipag-ugnayan, nakumpleto ng mga Albertan ang higit sa 12,800 online na survey para magbigay ng input sa kung ano ang gusto nilang matutunan ng mga mag-aaral sa bagong plano na kurikulum ng social studies. Ang mga resulta ng survey ay nagpahiwatig na ang mga Albertan ay naniniwala na ang pagbuo ng mga kritikal na kasanayan sa pag-iisip at pag-unawa sa mga lokal, Canadian at pandaigdigang mga kaganapan, at ang pandaigdigan at pambansang kasaysayan ay dapat na mga pangunahing elemento ng bagong kurikulum ng araling panlipunan.
Mula noon, nakipagpulong ang Alberta Education sa maraming guro, kasosyo sa edukasyon, komunidad ng Katutubo at francophone, at mga organisasyong multikultural upang ipaalam ang saklaw at pagkakasunud-sunod ng kurikulum ng K-12 sa araling panlipunan at ang nilalaman ng plano na K-6 curriculum. Ang pamahalaan ng Alberta ay patuloy na makikipagtulungan sa mga kasosyo sa edukasyon at mga Albertan upang matiyak na ang kanilang mga pananaw at puna ay isinasaalang-alang sa tamang panahon sa proseso ng pag-unlad.
Magkakaroon ng pagkakataon ang mga awtoridad ng paaralan na magpasimula ng bagong plano na K-6 kurikulum ng araling panlipunan sa mga silid-aralan sa 2024-25 school year upang makapagbigay sila ng karagdagang, detalyadong puna.
Ang Alberta Education ay maingat na isasaalang-alang ang puna mula sa lahat ng mga aktibidad sa pakikipag-ugnayan, pananaliksik at pagppasimula sa silid-aralan upang matapos ang bagong K-6 kurikulum ng araling panlipunan bago ang pagpapatupad.
Pangunahing Katotohanan:
- Ang pangkalahatang ideya ng bagong plano ng K-12 kurikulum ng araling panlipunan ay isang mataas na antas na buod ng kung ano ang natututuhan ng mga mag-aaral sa bawat baitang at nagpapakita kung paano umuusad ang pag-aaral habang lumilipat ang mga mag-aaral sa mga grado.
- Ang bagong plano ng K-6 kurikulum ng araling panlipunan ay isang dokumentong gagamitin ng mga guro, na nagbibigay sa kanila ng isang detalyadong balangkas kung ano ang inaasahang malaman, maunawaan at magagawa ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng bawat baitang.
Kaugnay na impormasyon
- Draft K-12 Social Studies Subject Overview (English)
- Draft K-12 Social Studies Subject Overview (French)
- Draft K-6 kurikulum ng araling panlipunan
- Anong masasabi mo
Mga kaugnay na balita
- Priyoridad ng mga Albertan para sa bagong kurikulum ng araling panlipunan (Disyembre 14, 2023)
- Pakikipag-usap sa mga Albertan tungkol sa bagong kurikulum ng araling panlipunan (Setyembre 18, 2023)
Multimedia
- Panoorin ang balitang pagpupulong
Mga katanungan sa media
780-218-8916
Kaliham ng Press, Edukasyon