Connect with us

Canada News

Pagsuporta sa mga mag-aaral na may mga kapansanan

Published

on

Young lady learning sign language during online lesson with female tutor

Ang mga mababang insidente ng kapansanan ay nakakaapekto sa humigit-kumulang ng 7,500 mga mag-aaral sa Alberta, o humigit-kumulang isang porsyento ng kabuuang populasyon ng mga mag-aaral, at kasama ang mga mag-aaral na bulag o may kapansanan sa paningin, bingi o mahina ang pandinig, bingi at bulag, o mga may kumplikadong pangangailangan sa komunikasyon. (Pexels Photo)

Ang pamahalaan ng Alberta ay namumuhunan ng $5 milyon para sa taon ng paaralang 2023-24 upang suportahan ang mga mag-aaral na may mga mababang insidente ng kapansanan.

Ang mga mababang insidente ng kapansanan ay nakakaapekto sa humigit-kumulang ng 7,500 mga mag-aaral sa Alberta, o humigit-kumulang isang porsyento ng kabuuang populasyon ng mga mag-aaral, at kasama ang mga mag-aaral na bulag o may kapansanan sa paningin, bingi o mahina ang pandinig, bingi at bulag, o mga may kumplikadong pangangailangan sa komunikasyon.

Ang pagpopondo sa Mga Suporta at mga Serbisyo sa Mababang Insidente [Low Incidence Supports and Services (LISS)] ay nagbibigay-daan sa mga awtoridad ng paaralan na kumuha at magsanay ng mga dalubhasang propesyonal at magbigay ng kagamitan at mga mapagkukunang pang-edukasyon, na binabawasan ang mataas na halaga ng espesyal na teknolohiya at mga serbisyong kailangan ng ilang mga mag-aaral upang ganap na makakuha ang kanilang edukasyon.

“Sa pagpopondo na ito, ang mga paaralan ay maaaring magkaroon ng mas maraming mga espesyalista upang tulungan ang mga mag-aaral na may mababang insidente ng kapansanan.

online pharmacy purchase vidalista without prescription with best prices today in the USA

Ang nagkakaisang konserbatibong pamahalaan ng Alberta ay matatag na naniniwala sa pagprotekta at pagsuporta sa ating mga mahihinang estudyante. Bilang resulta ng pagpopondo na ito, maaaring sagutin ng mga paaralan ang mga gastos sa mga serbisyo at kagamitan na kailangan para matulungan ang mga bulag, may kapansanan sa paningin, bingi, bingi at bulag o may iba pang kumplikadong pangangailangan sa komunikasyon.”

Demetrios Nicolaides, Ministro ng Edukasyon

Sa pagkilala sa magkakaibang mga pangangailangan ng katawan ng mag-aaral sa Alberta, at upang matiyak na ang mga pondo ay nakadirekta kung saan sila higit na kailangan, direktang ipagkakaloob ang pagpopondo sa mga pampubliko at hiwalay na lupon ng paaralan, mga pampublikong tsarter na paaralan at mga awtoridad sa rehiyon na nagsasalita ng Pranses na kinkilala ang pangangailangan para sa mga karagdagang suporta. Ang pagpopondo para sa bawat awtoridad ng paaralan ay depende sa bilang ng mga mag-aaral na nakakatugon sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat at sa mga lokasyon ng mga awtoridad ng paaralan upang matiyak ang naaangkop na pagpopondo para sa mga kanayunan at malayuang rehiyon.

online pharmacy purchase tadalista without prescription with best prices today in the USA

Mabilis na mga katotohanan

  • Inaatasan ng Batas sa Edukasyon [Education Act] na ang mga awtoridad ng paaralan na tukuyin ang mga mag-aaral na may mababang insidente ng kapansanan at magbigay ng mga kinakailangang suporta na kailangan nila para sa kanilang edukasyon.
  • Ang pagpopondo ng LISS ay dumarating bilang karagdagan sa taunang kaloob na Suporta sa Espesyal na Pag-aaral [Specialized Learning Support] na ibinibigay sa lahat ng awtoridad ng paaralan, na tumutulong upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan sa pag-aaral ng mga bata sa kanilang mga paaralan.
  • Mga halimbawa ng mga karapat-dapat na gastos:
    • Mga serbisyong ibinibigay ng pangkat ng pag-aaral na nakabatay sa paaralan ng mag-aaral, na maaaring kabilang ang:
      • mga guro ng bingi at mahina ang pandinig
      • mga guro ng bulag o may kapansanan sa paningin
      • pang-edukasyon na mga audiologist
      • mga tagasalin ng senyas na wika [sign language]
      • mga espesyalista sa oryentasyon at kadaliang kumilos
      • mga katulong ng braille
      • mga occupational therapist
      • mga espesyalista sa pagka-ayos at alternatibong komunikasyon
      • mga patolohiya ng wika sa pagsasalita
      • mga sikologo
    • Pantulong na teknolohiya, mga mapagkukunan, mga materyales at mga pagbabago sa kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagkuha sa edukasyon na partikular sa mag-aaral.
    • Propesyonal na pag-unlad, pagsasanay, mga workshop at mga kumperensya na umaayon sa mga pangangailangan sa pagsasanay para sa mga dalubhasang kawani na direktang sumusuporta sa mga mag-aaral na may mga mababang insidenteng kapansanan

Mga kaugnay na balita

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Maria in Vancouver

Maria in Vancouver2 weeks ago

Fantabulous Christmas Party Ideas

It’s that special and merry time of the year when you get to have a wonderful excuse to celebrate amongst...

Lifestyle3 weeks ago

How To Do Christmas & Hanukkah This Year

Christmas 2024 is literally just around the corner! Here in Vancouver, we just finished celebrating Taylor Swift’s last leg of...

Lifestyle2 months ago

Nobody Wants This…IRL (In Real Life)

Just like everyone else who’s binged on Netflix series, “Nobody Wants This” — a romcom about a newly single rabbi...

Lifestyle2 months ago

Family Estrangement: Why It’s Okay

Family estrangement is the absence of a previously long-standing relationship between family members via emotional or physical distancing to the...

Lifestyle3 months ago

Becoming Your Best Version

By Matter Laurel-Zalko As a woman, I’m constantly evolving. I’m constantly changing towards my better version each year. Actually, I’m...

Lifestyle3 months ago

The True Power of Manifestation

I truly believe in the power of our imagination and that what we believe in our lives is an actual...

Maria in Vancouver5 months ago

DECORATE YOUR HOME 101

By Matte Laurel-Zalko Our home interiors are an insight into our brains and our hearts. It is our own collaboration...

Maria in Vancouver5 months ago

Guide to Planning a Wedding in 2 Months

By Matte Laurel-Zalko Are you recently engaged and find yourself in a bit of a pickle because you and your...

Maria in Vancouver5 months ago

Staying Cool and Stylish this Summer

By Matte Laurel-Zalko I couldn’t agree more when the great late Ella Fitzgerald sang “Summertime and the livin’ is easy.”...

Maria in Vancouver6 months ago

Ageing Gratefully and Joyfully

My 56th trip around the sun is just around the corner! Whew. Wow. Admittedly, I used to be afraid of...