Connect with us

Community News

COVID-19 IMPORMASYON: PATNUBAY PARA SA MGA LUGAR NG PAGSAMBA

Published

on

• Maaaring magsuot ng di-medical na maskara ang mga kawani, mga bisita, at kongregasyon, subalit, hindi kinakailangan kung mapapanatili ang pisikal na distansya. (File photo: Tai’s Captures/Unsplash)

COVID-19 IMPORMASYON

PATNUBAY PARA SA MGA LUGAR NG PAGSAMBA

Pangkalahatang-ideya
Labis na mahalaga na ang mga lugar ng pagsamba ay maunawaan ang potensyal ng pagkalat ng Covid19 sa loob ng mga kongregasyon. Dahil dito kailangang gumawa ng hakbang para mabawasan ang panganib ng pagkalat at epekto ng Covid-19 lalong lalo na sa populasyon na nasa peligro. Ang mga lugar ng pagsamba ay dapat ding sundin ang Gabay sa Lugar ng Trabaho para sa Mga May-ari ng Negosyo. Ang mga pinuno ng pagsamba ay hinihikayat na ipagpatuloy ang mga serbisyo nang malayuan at gumamit ng iba’t ibang malikhaing mekanismo tulad ng mga “drive-in service”. Ang lahat ng mga lugar ng pagsamba ay dapat sundin ang gabay sa kalusugan ng publiko na inilarawan sa ibaba at suriin ang kanilang mga programa at serbisyo sa pagsamba
upang mapanatiling ligtas ang lahat, lalong lalo na sa mga taong nasa mas mataas na panganib.

COVID-19 Pagpapagaan ng Panganib

• Ang mga kawani, bisita at kongregasyon ay dapat gumamit ng “self-screening tool” bago dumalo.
• Mag-alok ng maramihang serbisyo at mga pagkakataong sumamba upang mabawasan ang pagdalo sa 50 katao o isang-ikatlo (one-third) ng normal na pagdalo sa pagsamba, alinman ang mas maliit at alinman ang nakasisiguro na
mapanatili ang pisikal na distansya.
• Ang mga kawani, bisita, at kongregasyon ay dapat mabigyan ng impormasyon tungkol sa mga kinakailangan sa pagpapatakbo at ang kahalagahan ng pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19.
• Maglagay ng mga palatandaan na nagpapahiwatig ng mga Covid-19 protocol tungkol sa pisikal na distansya.
• Ang pisikal na distansya ay dapat mapanatili sa lahat ng oras sa pagitan ng mga taong hindi mula sa parehong sambahayan.
• Maaaring magsuot ng di-medical na maskara ang mga kawani, mga bisita, at kongregasyon, subalit, hindi kinakailangan kung mapapanatili ang pisikal na distansya.
• Ang mga sanggol at bata ay dapat manatiling kasama ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga sa lahat ng oras. Hindi pinapahintulutan ang mga programa ng Nursery/bata.
• Ang mga indibidwal na hindi galing sa parehong sambahayan ay dapat tandaan na panatiliin ang pisikal na distansya sa pagbalik sa mga sasakyan o bahay.
• Isaalang-alang ang pagkakaroon ng mga pangkat ng mga pamilya (cohort families), kung saan ang dalawang pamilya ay nakaupong magkasama na may sapat na pagitan nila at ng iba pang mga pangkat pamilya.

Pagsuporta sa mga Kawani at Pinuno ng mga Relihiyon

• Ang mga pinuno ng relihiyon ay dapat suportahan ang mga aktibidad ng pag-iwas, pamamaraan, at edukasyon ng COVID-19.
• Ang mga kawani at boluntaryo ay dapat mabigyan ng impormasyon at pagsasanay tungkol sa naaangkop na pisikal na distansya, proseso, at mga kasanayan sa kalinisan.
• Ang mga kawani ay dapat magsuot ng naaangkop na PPE kung hindi nila kayang mapanatili ang 2 metro ng paghihiwalay sa isa’t isa.

online pharmacy buy zydena with best prices today in the USA

Mga Pasilidad

• Kontrolahin at paunti-unti ang pagpasok sa mga pasilidad.
• Dapat ipaalala sa mga taong pumipila ang kahalagahan ng pisikal na distansya.

online pharmacy buy clenbuterol with best prices today in the USA

Dapat malinaw na namarkahan ang sapat na distansya upang maiwasan ang kasikipan.
• Dapat mapanatili ng mga samahan ang isang solong punto ng pagpasok at isang hiwalay na punto ng paglabas.
• Ang mga hand sanitizer na naglalaman ng hindi bababa sa 60% na alkohol ay dapat nakahanda sa pasukan at labasan ng buong pasilidad sa lahat ng oras.
• Dapat paalahanan ang mga kongregasyon na linisin ang kanilang mga kamay bawat pagpasok at paglabas sa pasilidad.
• Bumuo at magpatupad ng mga pamamaraan para sa mas madalas na paglilinis at pagdidisimpekta sa mga lugar na mataas ang trapiko ng mga tao, mga lugar na para sa lahat, at pangpublikong banyo.
• Palaging linisin at disimpektahin ang mga madalas na hinahawakan na mga ibabaw tulad ng: mga hawakan ng pinto, light switch, hawakan ng banyo, gripo, mga pindutan ng elevator, mga barandilya.
• Ang mga pasilidad ay dapat linisin at lagyan ng sanitizer isang beses sa pagitan ng mga serbisyo.
• Ang pag-upo ay dapat ayusin o markahan (ang mga bangko sa simbahan) upang matiyak ang pisikal na distansya.
• Ang mga pagpapa-upa ng pasilidad ay dapat na suspindihin kung hindi masunod ang mga paghihigpit sa pagtitpon

Mga Gawaing Pangkultura at Panrelihiyon

• Hindi dapat isama sa mga serbisyo ang pagbibigay ng lutong pagkain, nakabukas na pagkain o inumin.
• Hindi dapat isama sa mga serbisyo ang pagbabahagi ng pagkain o inumin.
• Hindi dapat isama sa serbisyo ang anumang pakikipag-ugnay tulad ng pag-alog ng kamay o ang pagbabahagi ng mga bagay na komunal (hal. komunyun chalice).
• Hindi pinahihintulutan ang mga gawaing panlipunan (hal. Komunal na hapunan, tanghalian) sa labas ng mga opisyal na serbisyo .

Pag-awit

• Hindi pinapayagan ang pag-awit ng kongregasyon dahil ito ay aktibidad na mataas ang peligro. Ang mga taong naapektuhan ay maaaring maglipat ng virus sa pamamagitan ng kanilang laway o mga titik ng paghinga habang umaawit. Subukan gumamit ng soloista na musika o piano/gitara bilang alternatibo.
• Kahit na wala pang katibayan kung ano ang eksaktong ligtas na distansya upang maiwasan ang paglipat ng virus mula sa isang kumanta, kung isa o dalawang tao ay umaawit bilang bahagi ng isang “live streamed” o naitala na serbisyo, ang mga hakbang na magbabawas ng peligro ay kung ang mang-aawit ay hindi magkaharap, o maglagay ng mga hadlang (hal. Plexiglass) na naghihiwalay ng mga mang-aawit sa bawat isa, at sa iba pa, titiyakin na wala sa mga mang-aawit ang mga indibidwal na
may talamak na kondisyon medikal o mahigit na 65 taon gulang.
• Tandaan na kung ang mga mang-aawit ay mga miyembro ng parehong sambahayan, hindi kinakailangan ang pagbabawas sa panganib sa pagitan nila.

Mga Serbisyo sa Drivein

• Ang mga serbisyo sa drive-in ay maaaring gaganapin sa mga itinalagang paradahan
o mga “staging areas”, at dapat matugunan ang mga sumusunod na kondisyon:
o Ang mga taga-ayos o pinuno ng kaganapan ay dapat maglagay ng mga hakbang upang maiwasan ang pag-alis ng mga tao sa kanilang mga sasakyan.
o Ang mga sasakyan ay dapat paghiwalayin ng hindi mas mababa sa dalawang metro
o Kung magagamit ang mga banyo, mangyari lang na madalas ang paglilinis at pagdidisimpekta.
o Ang mga taong umaalis sa kanilang mga sasakyan upang gumamit ng banyo ay dapat mapanatili ang di mas mababa sa dalawang metro ng distansya mula sa isa’t sa lahat ng oras.

Suporta para sa Pampublikong Kalusugan

• Upang makatulong sa pamamahala ng mga kaso sa pamamagitan ng pagsubaybay at pag “follow-up”, gumawa ng isang listahan ng mga samahan na dumalo sa bawat serbisyo.
• Panatilihin ang isang kasalukuyan at napapanahonng listahan ng contact impormasyon, kabilang ang mga pangalan, address, at numero ng telepono para sa lahat ng mga kawani at mga boluntaryo.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Maria in Vancouver

Lifestyle1 week ago

Nobody Wants This…IRL (In Real Life)

Just like everyone else who’s binged on Netflix series, “Nobody Wants This” — a romcom about a newly single rabbi...

Lifestyle2 weeks ago

Family Estrangement: Why It’s Okay

Family estrangement is the absence of a previously long-standing relationship between family members via emotional or physical distancing to the...

Lifestyle2 months ago

Becoming Your Best Version

By Matter Laurel-Zalko As a woman, I’m constantly evolving. I’m constantly changing towards my better version each year. Actually, I’m...

Lifestyle2 months ago

The True Power of Manifestation

I truly believe in the power of our imagination and that what we believe in our lives is an actual...

Maria in Vancouver3 months ago

DECORATE YOUR HOME 101

By Matte Laurel-Zalko Our home interiors are an insight into our brains and our hearts. It is our own collaboration...

Maria in Vancouver4 months ago

Guide to Planning a Wedding in 2 Months

By Matte Laurel-Zalko Are you recently engaged and find yourself in a bit of a pickle because you and your...

Maria in Vancouver4 months ago

Staying Cool and Stylish this Summer

By Matte Laurel-Zalko I couldn’t agree more when the great late Ella Fitzgerald sang “Summertime and the livin’ is easy.”...

Maria in Vancouver5 months ago

Ageing Gratefully and Joyfully

My 56th trip around the sun is just around the corner! Whew. Wow. Admittedly, I used to be afraid of...

Maria in Vancouver5 months ago

My Love Affair With Pearls

On March 18, 2023, my article, The Power of Pearls was published. In that article, I wrote about the history...

Maria in Vancouver6 months ago

7 Creative Ways to Propose!

Sometime in April 2022, my significant other gave me a heads up: he will be proposing to me on May...