Columns
Pangarap : So, Our Journey Begins Tanong #1, #2
Tanong #1:
PAANO BA ANG MANGARAP?
Tanong #2:
KAILANGAN MO BANG MAG-ABROAD PARA MATUPAD ANG ISANG PANGARAP?
Sabi-Sabi: Libre lang ang mangarap, lakihan mo na.
Oo nga naman. Mangangarap ka na rin lang, libre naman, bakit mo lilimitahan ang iyong sarili?
Naalala ko, may anak akong mahilig kumain ng fried fish noong batang paslit pa lang siya. ‘Pag tinanong mo siya, “Ano’ng gusto mong ‘maging’ paglaki mo?” Ang sagot niya, “Gusto ko pong maging fisherman.” Obvious ba? Gusto niya sigurong malibre na ang kanyang kakainin pang mga isda. Pero ‘di siya naging fisherman, naging film writer siya at nangangarap maka-produce ng isang hit to start his luck rolling.
So, mula sa isang humble at musmos na pangarap, lumaki o lumawak na ang kanyang pangarap lalo’t ngayong nadala ko na sila sa Canada. Subali’t ‘di tulad ng aking anak, hindi lahat ng batang nangangarap ay may magulang na makapagdadala sa kanila sa ibang bansa. I mean, literally. Hindi lahat ay may pamilyang masasamahan upang mamuhay at manirahan sa abroad.
But we have gone global.
Ano ba ang ibig sabihin ng global?
Kapag sinabing global, patungkol ito sa katotohanang ang mundo ay paliit na nang paliit dahil sa kakayahan ng marami na maabot ito dahil sa siyensya at teknolohiya.
Ang isang kompanyang naglalayong maging global ay naghahanda o nagpaplano para marating ang global market o maka-compete sa mas malawak na global market.
So ang simpleng pag-iisip o pangangarap ng isang tao ay natural na ring mag-turn global dahil malayo na rin ang nararating ng kanilang kaalaman dahil sa siyensiya at teknolohiya; at sa kadahilanang ito ay maiku-kumpara niya ang kanyang kalagayan at ang kalagayan ng kanyang bansa sa mas higit na maunlad na bansa o lugar.
That same phenomenon is true sa mga kababayan nating nasa probinsiya na nangangarap makaluwas papuntang “Maynila” upang maghanap ng magandang kapalaran. Sa kanilang mahigpit na paniniwala, may mas malaking ma-o-offer ang lungsod para mas umasenso sa buhay.
So, sa mga malakas ang loob, hindi mahirap mag-desisyong makipagsapalaran sa ibang lugar, kahit pa ito’y sa tawid-dagat. Sa mga tumututok sa galaw ng mundo, bukas ang kaalaman sa mga puwedeng mga oportunidad sa pangingibang-bansa.
Simple lang ang formula: mas malawak ang merkado, mas malawak ang oportunidad, mas maunlad ang ekonomiya, mas marami ang oportunidad ang bukas o magbubukas para sa mga nangangailangan.
So, sa simple pa ring formula: dahil sa pagkakaiba ng foreign exchange rates, ang mas maunlad na bansa ay may advantage sa palitan ng pera. Kaya kung dadalhin mo ang superior currency sa isang developing pa lamang na bansa, mas malaki ang iuuwi mong pera sa iyong pamilya.
Uulitin ko ang Tanong #2: Kailangan mo bang mag-abroad para matupad ang iyong pangarap?
Ang sagot ko: bakit naman hindi? Kung may pagkakataon sa matiwasay at malinis na paraan, ang kasagutan ng iyong pangarap ay maaaring nasa abroad.
Ang Totoo: Mangyayari ang mangyayari. Nguni’t kung may bukas at maayos na paraan para mas gumanda pa ang mangyayari, gawin mo. There is room enough for everyone in the world.
___________________________________________
(Bolet is a marketing communications practitioner and dabbles in writing as a personal passion. She is author-publisher of the book: The Most Practical Immigrating and Job Hunting Survival Guide, proven simple steps to success without the fears and the doubts. book is available in Amazon.com, Barnes & Noble, Chapters/Indigo, the Reading Room and other online bookshops worldwide.
Please check out https://www.amazon.com/author/boletarevalo)