Science
DOST-STII, muling magdaraos ng science journalism workshop sa 2016 NSTW
Muling magdaraos ang Department of Science and Technology-Science and Technology Information Institute (DOST-STII) ng Science Journalism Writeshop bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng National Science and Technology Week (NSTW) sa ika-28 ng Hulyo.
Ang SciJourn Writeshop ay gaganapin sa STII Mini Theater sa DOST Complex, Bicutan, Taguig City. Idinisenyo ang writeshop na ito para sa mga campus paper advisers, campus journalists, at communication students sa kalakhang Maynila.
Maraming dumalo noong nakaraang writeshop ngunit limitado lamang ang kakayahan ng lugar na pinagdausan. Dahl ditto, may mga unibersidad na nag-isponsor ng kanya-kanyang writeshop sa kanilang mga campus.
Layon ng writeshop na ito na mapalakas ang kaalaman ng mga mamamahayag sa agham at teknolohiya Sa pamamagitan nito ay mas maayos na makakapagbigay sila ng impormasyon at maipakita ang kahalagahan ng siyensiya at teknolohiya sa pagyabong ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa.
Gaganapin rin ang 2016 NSTW ng sabay-sabay sa apat na lugar: SM Mall of Asia sa Pasay, Science Garden sa Quezon City, PCAARRD Complex sa Los Baños, Laguna at pati na rin sa mga DOST Regional Offices sa bansa, sa ika-25 hanggang ika-29 ng Hulyo.
Para sa karagdagang kaalaman at katanungan tungkol sa Science Journalism Writeshop at sa 2016 NSTW, maaaring bisitahing ang NSTW Facebook page at website sa www.nstw.dost.gov.ph.