News
‘Poe is the only hope for Filipinos’–Escudero
MANILA–“I want a president that inspires us. I want a president that brings out the best in every Filipino, not the worst in every Filipino.”
Independent vice presidential bet and Senator Francis “Chiz” Escudero had these words to say about his running mate, presidential candidate and Senator Grace Poe, as he made a final pitch to voters in the “Miting de Avance” of Partido Galing at Puso held at Plaza Miranda in Quiapo, Manila on Saturday night.
“Para sa akin, si Senator Grace Poe lang ang pag-asa ng ating bayan sa isang simpleng dahilan. Gusto ko ang pangulo natin, binibigyan tayo ng inspirasyon. Gusto ko ang pangulo natin, pinalalabas ang magandang asal at magandang ugali ng mga Pilipino,” Escudero said.
“Ayaw ko ng lider na korap, ayaw ko ng lider na palpak, ayaw ko ng lider na walang respeto sa karapatang pantao. Ang gusto kong lider ay si Grace Poe,” Escudero added.
He told the country’s voters to choose the president that they want and not to leave the decision to the elite who think that they can influence the outcome of the May 9 general elections.
“Hindi pwedeng sila lang ang magdesisyon kung sino ang magiging presidente ng Pilipinas. Hindi pwedeng silang mayayaman lang ang magdedesisyon,” he explained.
“Sa araw ng eleksiyon, tigi-tig-isa lamang po tayo ng boto. Pantay ang bawat tao, walang pinagkaiba.
Parehas. Ipaglalaban ko palagi ang pagkakapantay-pantay natin sa araw na iyan. Ipaglalaban ko palagi ang pagiging sagrado ng araw na iyan. Para sa bawat Pilipino, hindi po nila kagustuhan ang dapat ninyong gawin. Kagustuhan po ninyo ang dapat ninyong gawin,” Escudero said.
At the same time, he asked the electorate to take a look again at the agenda of the “Gobyernong may Puso,” which focus is to fight poverty in order to address crime and violence in the country.
“Sabi po ng aming katunggali, papatayin daw lahat ng kriminal. Para sa amin ni Senator Grace, kung may dapat patayin, ‘yun po ay ang kahirapan, hindi po ang mahihirap. Kung may papatayin lang din tayo, ang dapat nating patayin ay gutom, hindi po ang nagugutom,” Escudero said.
He said the Poe presidency will declare poverty as “public enemy No. 1” and poverty eradication a top priority.
“Dahil habang may Pilipino na hindi nakakain ng tatlong beses sa isang araw, habang may Pilipino na hindi napapagamot ang kanyang mahal sa buhay, habang may Pilipino na hindi po napag-aaral ang kanyang anak, palagi pong may kakapit sa patalim, palaging may gagawa ng krimen, palaging may mamumundok, palaging may lalabag sa batas,” he said.
“Hangga’t hindi natin hinahanapan at tinutugunan ang problema sa kahirapan, palagi po tayong magkakaproblema kaugnay ng peace and order dito po sa ating bansa. Kahirapan ang kalaban, kahirapan po ang dapat din nating hanapan ng solusyon.”
As the 90-day election campaign came to a close, Escudero said he could never be more proud of their supporters and the entire Partido Galing at Puso team for carrying out a decent, hate-free and issue-based political campaign, despite a well-orchestrated game plan to attack Poe.
“Wala kaming dapat ikahiya sa aming ginawang pag-iikot sa buong Pilipinas. Sa kabilang banda, ang mga kalaban, walang ibang ginawa kundi siraan si Senator Grace,” he said.