Breaking
PNoy proud of Filipino communities in Chicago and Canada
MANILA — President Benigno S. Aquino III has expressed his admiration and gratitude to the Filipino communities in Chicago and Canada during his arrival speech on Monday at the Ninoy Aquino International Airport.
The President had a one-day working visit to Chicago and headed to Canada for a three-day state visit that brought him to Ottawa, Toronto and Vancouver.
Aside from government officials and business executives, President Aquino also met with various Filipino communities, which have made a good and lasting impression both in Chicago and Canada.
“Talaga pong nagbabago na ang pagtingin ng mundo, hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa mga kababayan nating namamalagi sa ibang bansa. Naaalala ko po ang mga sinabi sa atin ng mga pinunong tulad nina Mayor Rahm Emanuel ng Chicago, at Premier Christy Clark ng British Columbia. Parang hindi po sila maubusan ng papuri sa mga Pilipino. At sa iba’t ibang komunidad, nagpapakitang-gilas daw po ang mga Pinoy; talagang ramdam ang kanilang presensya at puwersa dahil sa kanilang kontribusyon sa pamayanan at lokal na ekonomiya,” he said.
The President also said the meet-and-greet session with overseas Filipino was aimed at personally thanking them for making the Philippines proud.
“Kaya nga po, ganoon na lang din ang pasasalamat natin sa mga kababayan natin sa ibayong dagat, na sa iba’t ibang larangan ay talaga namang itinataas ang ating bandila. Isa po ito sa mga dahilan ng pagbisita at pakikipag-kumustahan natin sa Filipino communities sa Chicago, Toronto, Ottawa, at Vancouver. Kung nandoon nga po kayo sa bawat venue, mararamdaman ninyo ang sigla at enerhiya ng ating mga kababayan. Malayo man sa bansa, batid nila ang pagbabagong sama-sama na nating natatamasa. Kasabay nito, ipinaramdam naman nila ang kanilang suporta at kahandaang makiambag pa sa ating agenda ng reporma,” he further said.
President Aquino said the government will continue to work hard to ensure a better future for the Filipinos.
“Hindi pa tayo kuntento sa mga nakakamit natin ngayon. Tuloy ang pagkayod ng inyong gobyerno. Tuloy ang pagpapalawak ng oportunidad sa pag-asenso sa ating bansa, pati na ang paghahanda sa kinabukasan, nang sa gayon, hindi na maging sapilitan kaninuman ang pangingibang-bayan,” he added.