Philippine News
President Aquino inaugurates 1,000 low-cost housing units for informal settlers
ILOILO CITY — President Benigno S. Aquino III on Friday led the inauguration of 1,000 low-cost housing units in Jaro district for informal settlers who used to live on the banks of the Iloilo River.
President Aquino unveiled the project marker and inspected the completed low-cost housing units of the Iloilo River Plains Subdivision Phase 1, Barangay Lanit in Jaro district.
In his speech, the President said the P170 million allocation for the construction of the housing units came from the Disbursement Acceleration Program and 2011 General Appropriations Act.
“Dalawa po ang pinagmulan ng mahigit 169 milyong pisong pondo ng proyekto. Ang isandaang milyong piso po, nagmula sa ating 2011 Disbursement Acceleration Program, o DAP. Ang nalalabi namang mahigit 69 milyong piso, mula sa 2011 General Appropriations Act o GAA,” he said.
“Kongkretong patunay po ito sa pagiging epektibo ng ating sistema sa pagpopondo. Kitang-kita nga po na kapag sa tapat ginamit ang pondong mula sa buwis na pinaghirapan ng taumbayan, may kaukulan itong benepisyo sa Pilipino, at hindi napupunta lang sa bulsa ng iilang mapanlamang,” he added.
President Aquino said the NHA housing project would accomodate 1,000 informal settler families. The President added the beneficiaries would now have peace of mind and they can now sleep well in their new homes.
“Kapanatagan po ang kaakibat ng mga bagong bahay na ito. Noon po, nakatira ang mga pamilya sa paligid ng Iloilo River. Dahil sa alanganin at delikadong lokasyong ito, para bang laging nasa bingit ng peligro at kawalang-katiyakan ang mga naninirahan dito,” he said.
“Kaunting ulan at kulog lang, kakabog ang dibdib mo dahil sa posibilidad ng malakas na ulan o bagyo, ng pagtaas ng tubig sa ilog at pag-apaw nito sa komunidad. Ngayon, mas ligtas na ang inyong lokasyon at mas matibay na ang inyong mga tahanan. Hindi na po kailangang mangamba. Umulan man o umaraw, mas panatag na ang buong pamilya,” he added.
Apart from the housing units, President Aquino also inaugurated and inspected the P2.
1-billion Iloilo circumferential road, the P700-million Iloilo Convention Center, and the P500-million Senator Benigno Aquino Jr. Avenue here.
“Pambihira po talaga ang nakikita nating transpormasyon ng Iloilo. At malinaw na hindi ito nangyari sa isang iglap lang.
Mula ito sa masusing pagpaplano, sa kolektibong pagsusumikap, sa masinop na paggugol ng kaban ng bayan, at sa paninindigang ito ay maisasakatuparan,” he said.
“Ang susi po nito: Mulat kayo sa inyong mga kalakasan. Batid ninyo ang biyayang kaakibat ng estratehikong lokasyon ng inyong probinsya, ng inyong likas na yaman, at ng kilalang sipag at talento ng mga Ilonggo—at kitang-kita naman po na sinasagad ninyo ang potensyal ng mga positibong katangiang ito,” he added.
Also in his speech, President Aquino called on Iloilo residents to choose the next leaders wisely come election time.
“Ang hamon na lang po sa ating mga Boss sa mga darating na panahon: gamiting muli ang pagkakataong pumili ng mga tapat at karapat-dapat na mga pinuno. Ito ang magdidikta kung uurong ba tayo pabalik sa dating sistema, o susulong sa bansang mas maunlad at maginhawa,” he said.